Chapter 16 ^^

18 0 3
                                    

** CRIZ' POV **

Sure ba talaga tong lalaking to na sumama sa amin? Eh halos sugat sugat na sya. Baka sya din maospital sa pinaggagawa nya kanina nung nag-iinom sya eh. 

" Wag na Key. Amoy alak ka eh. Baka hindi ka din papasukin sa ospital. " - sabi ni Yael.

" Maliligo muna ako. " antigas din ng ulo nito eh. Aish. " hindi pwede. Nagmamadali na kami oh. Kung gusto mo sumunod ka na lang. " - sabat ko naman. Antigas kasi talaga eh.

" Sige na nga. San ba yung hospital na yan ? " tanong nya. " Sa may sacred hospital. Punta ka na lang ah. Nga pala Key, wag kang magdridrive ah. Delikado. Lasing ka pa naman. " - ako yan

" Whatever you say. Alis na kayo. Susunod na lang ako. " ganyan yan kapag good mood . Hindi ko na lang pinansin at umalis na kami ni Yael.

Ginamit na namin yung kotse ni Yael para mabilis. 

Nagtataka siguro kayo noh? 4th year palang sila pero may license na sila. Kasi nasa 18 years old na tong mga to. Kaya okay na. Eh mayaman naman sila kaya tig-iisa silang kotse.

" Yael wag mong bilisan masyado ah? Baka mabangga tayo nyan. Baka makasama pa natin si Heil sa ospital nyan . " - nung sinabi ko yun aba at. Tumawa lang.

" Oy gaga ka. Seryoso ako dito tas tatawanan mo lang ako? Booset ka ah? " 

" Oo alam kong gaga ako. Pero pano ba naman kasing di ako matatawa eh sobrang kabaliwan naman nyang pinagsasabi mo sa akin. Baka ikaw nga yung pumilit sa akin na bilisan ko eh. " at dahil nga may taglay na kagagahan tong lalaking to, sobrang bagal ng takbo ng sasakyan namin.

" Kung ganto lang din kabagal tong pagpapatakbo mo edi sana naglakad na lang ako! Gaga ka talaga. " umamba akong lalabas na ng sasakyan pero bigla nyang binilisan yung sasakyan. 

" Siraulo ka talaga. Jajo! " tinatawanan lang ako . Booset.

" Bilisan mo na ! Pak ka! " - ayokong idirect yung curse ko sa kanya kasi masyadong harsh haha .

" Oo na . G*go ka. " Isa pa to eh. Kapag minumura ako nyan, pinagtritripan ako nyan . Siraulo.

Putek na yan! SOBRANG BILIS NA ! Siraulo talaga. 90 kmph na ata kami. Baliw talaga to.

" Hoy kung ganyan ka magpatakbo ng sasakyan mo dun sa lugar nyo, pwes dito hindi pwede. May limit dito! Gaga  ka! " sigaw ko sa kanya. Sobrang bilis na talaga. 

" Eh sabi mo diba bilisan ko?! Ayan na! Binibilisan ko na! G*g* " namura pa ako . ===========3===========

" Pak ka! Yung katamtaman lang na takbo! Siraulo ka talaga! Baka mahuli tayo nyan sa pinaggagawa mo eh! " hay salamat naman! At binagalan nya ng onti.

" Hay salamat naman! Ayan na ! Malapit na tayo! WOOOOOOOOOOO! " akala mo pupunta sa vacation kung makasigaw eh. Hay nako. 

" Siraulo ka. Wag kang sumigaw. Kala mo nakakatuwa nangyari kay Heil?! Siraulo ka! Aish! " - pinagpapalo ko na sya nyan. Hindi pa din nadala tong isang to eh. Nung 1st year kami bubog sarado sa akin yan eh.

" Joke na nga eh. " sumeryoso yung boses nya kaya alam kong seryoso na sya. Nakita nya siguro yung black aura na lumalabas sa akin. 

" Aish! Nakalimutan ko palang tawagan si Tita! Naku. Tsaka magpapaalam pa pala ako kay mama. Anong oras na ba ? " napakamakakalimutin ko talaga! Naasar ako sa sarili ko ! Aish! 

" Wag ka na magpaalam sa mama mo. Alam nya naman kasi dibang magkasama tayo. Baka kapag nagpaalam ka pa na pupuntahan mo si Heil, hindi ka payagan. " - oo nga noh? Hindi ko naisip yun ah?

Dinial ko na yung number ni  Tita Vira ( mama ni Heil )

* ring ring ring * 

hala ayaw sumagot !

* ring ring ring * 

" The number you dialed is currently not avail---- " binaba ko na yung tawag ko kasi wala ding sense kung papakinggan ko yung sinasabi nung nakarecord dun. 

" Ayaw sumagot eh. Pano na yan ? " Tanong ko kay Yael.

Papunta na kami sa ER kasi nandun daw si Heil sabi nung nurse. 

" Hayaan mo na lang. Mamaya magtetxt din yan sayo. Tatanungin kung bakit ka tumatawag. " - Yael.

 At ayun. Nandito na kami sa ER at hinihintay yung resulta. 

Tinext ko muna si Fey, yung bestfriend ko na classmate ni Heil.

To: Hot <3

Hot! Nahospital si Heil! Uwaaaaaaaahhh!!! Punta ka dito bilis! 

Drama lang eh noh? Hehe. Siguro nagtataka kayo kung bakit Hot yung pangalan nya sa cp ko noh?

After 30 minutes.. hindi pa din lumalabas yung doctor. Feeling ko malala na talaga ang pagkabangga ni Heil . 

 Ano ba kasing nangyari? Pano nangyari to? San ba dapat sya pupunta kung hindi sya nabangga? Malala ba yung kalagayan nya? Ang hirap naman nito oh.

At SINO YUNG SIRAULONG DRIVER NG TRUCK NA BUMANGGA DUN SA SINASAKYAN NI MOKONG ?! AISH! 

" Miss. Ikaw po yung kausap ko kanina sa phone ni Heil ba yun? Yung naaksidente. " - out of nowhere bigla syang sumulpot sa harap ko.

" Ahmmm. I forgot you name but I think, ikaw yung nakausap ko . Nasaan na po ba yung cellphone nya. "

" Wait lang hanapin ko lang sa bag ko. " at nagstart na syang magkalkal sa bag nya.

" By the way Im Name . Ang weird ng pangalan ko noh? Nakita ko kasi yung cellphone ni Heil dun sa jeep nasa sahig tapos kinuha ko. Pagkaopen ko, nakita ko yung picture nyo na nasa ilalim nung puno. Ankyut nga eh. Parang kayo. Kayo ba ? " in fairness ah. Andaldal nya ahha.

" Yeah. " - nasabi ko ng biglaan.

" Oh? "

" I - I mean hindi . Hindi kami. Hehe. Sadyang sweet lang kami. "

" Really? * smirk * " actually, ang weird nung ngisi nya. Para bang may pahiwatig. 

Ayaw ko naman sabihin yun kasi baka mali lang yung naiisip ko. Pero hindi talaga eh. Parang may meaning.

* snap snap * Nabalik lang ako sa wisyo ko nung biglang may nagssnap sa harap ko.

" Huh? "- nasabi ko out of the blue. 

" Kanina pa ako nagsasalita dito. Pero nakatulala ka jan haha " - Name

" Nawirduhan lang kasi ako sa ngiti mo. " - lumabas na naman ang ugali kong straight forward. =3=

" Wag mo nang pansinin yun . Nawiweirduhan lang din yung mga kaibigan ko sa ngisi ko. Ewan ko ba hahah. " - Name

" Ahhhh. Okay " nanahimik na lang ako sa isang tabi pero sa tingin ko hindi sya nagsasabi ng totoo.

Ang weird kasi talaga eh. Hindi ko malaman tong nararamdaman ko pero

.

.

.

.

.

Parang gusto kong ilayo si Heil sa kanya

KASI

PARANG AAGAWIN NYA SA AKIN SI HEIL.


Kailan Kaya?Where stories live. Discover now