CHAPTER II

43 7 4
                                    


Chapter 2

Shayley Carson's Point of View

"I'm so screwed."

Gosh! Diba siya yung lalaking nakabangga ko kanina?! Ghad! No way! Huhuhu. Goodbye diploma na.

"Huh? Why?" Inosenteng tanong ni Lei sa akin.

"I........ I.......... Oh nevermind. Argh! You're so stupid Shayley!" Hindi ko talaga masabi. Wala akong sapat na lakas ng loob to say it out loud.

"What's the matter?" Muling tanong niya sa akin.

"I bumped into him earlier, and I talked back.... " Bulong ko sa kanya.

"OMG! NO WAY!" Gosh, ang ingay naman niya. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito sa cafeteria. -_-

"Can you quit being so loud?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Sorry." Napahiyang sabi niya.

Nagpatuloy na lamang siya sa pagkwekwento hanggang dumako na kami sa huling tao.

"Okay so ang huli ay si Casslie Gael Benson. Maganda siya, mabait, at syempre matalino. Nasa kanya na ang lahat. Bakit siya kasama sa mga tinitingala? Hindi lang dahil sa ganda niya, but also...... She's the campus bad boy's queen." Sabi niya pa.

Gosh! Limang tao na ata yung naikwento niya sa akin. Ang dami naman ata.

Pero sa ngayo'y pinupuno pa rin ng kuriosidad ang isip ko.

Paano binu-bully ng isang Vander Alexus Sanfrow ang mga kapwa estudyante niya?

Anu-ano ba ang mga hindi mo dapat gawin sa harap niya at nang hindi ka ma-bully?

Ano kaya ang pwede niyang gawing parusa sa akin?

Ga-graduate pa kaya ako?

Hindi ko maitanong ang mga iyan kay Lei dahil tumunog na ang mga speaker na kalat sa buong eskwelahan na naging hudyat para pumunta na ang lahat ng mga estudyante kanina sa cafeteria ay pumunta sa auditorium para sa isang anunsyo.

Sumunod na lamang ako sa kanila dahil hindi ko rin naman alam ang daanan 'tungo sa auditorium dahil transferee lang naman din ako.

Pagkarating ko sa auditorium ay humanap na ako ng upuan at umupo na.

'Di nagtagal ay may lumabas na guro mula sa backstage saka siya nag mic test at nagsimula na.

"Good morning students of Blink Stone High. I assemled you all here for an announcement. Will you do the honor, Principal Sanfrow?" Sabi nung guro at naglakad patungo sa gilid ng stage.

May babae namang naglakad papunta sa mic stand.

Sa paglalakad pa lamang niya ay ipinapahalata na niya ang kanyang awtoridad.

"Good morning students. I'm glad to inform you that my dear son already came home here in the Philippines from the States. He is here to join you this school year here at Blink Stone High. That's all I would like to say. You may now continue on your tour." She formally said in a posh british accent.

Son? Kung siya nga yung principal, edi si Vandew Alexus Kiel yun?
Ahh. So unico hijo pala siya.

Ang haba naman ng pangalan niya. Huhu.

Hindi ko kasi alam pwedeng itawag sa kanya eh. Baka naman sabihin ng iba, ang feeling close ko.

Pagkalabas ko ng auditorium ay nangingibabaw ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa pagbalik ni unico hijo ng principal.

"Like oh my gosh, guys after 2 years bumalik na rin si Lexus ko. Ahe! Wiee! Excited na is me."
"Tama ka dyan, girl. And balita ko, kasama niya yung friend niyang si Fiosswei. Like OMG talaga. Kilig overload is real."

Rinig kong pagtsi-tsismisan ng mga babaeng nasa gilid ko. Baby talk lang mga ateng girl?

May mga nerd naman sa harap ko na negatibo ang tingin sa pagbabalik ng anak ng principal.

"Ano ba naman yan?! Bumalik pa siya, may panira na naman."
"Kaya nga eh noh? Masisira na naman yung mga experiment natin."
"May bully na naman dyan. Akala ko matatahimik na ang kaluluwa ko, hindi pa pala."

So ganun pala talaga siya. Masama pala talaga ang ugali niya. Tsk. What a demon.

"Shayley! Andyan ka pala. Hinanap kita kanina pero kahit saan hindi kita mahagilap. Saang lupalop ng mundo ka ba kasi nagpunta?"

Ayy! Si Lei nga pala. Nakalimutan ko naman siya kaagad. Hehe. Kawawang Lei.

"Haha! Ang OA mo naman dyan Lei. Grabe talaga! Haha! Petmalodi! Ang galing mo talaga umacting! Hahaha!" Natatawang sabi ko.

"Grabe ka sa akin. Huhuhu." Haha! Ang cute niya pag nagtatampo.

"Sige na. Sige na. Pero Lei, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian? Doon sa may 7 11 sa tabi?" Sabi ko.

"Sige sige." Pagsang-ayon niya.

~~~~~~~~~

Uwian na.

Papunta na ako sa 7 11 kung saan namin napagkaisahang pumunta ni Lei.

Mamaya-maya'y may grupo ng mga babae na humarang sa akin.

Lahat sila ay sexy at magaganda. Halata mo sa kanila na tambayan nila ang gymnasium, parlors, and salons.

"You're the newbie, right? Perhaps you still don't know us. Well, we are The EMPresses Of heartbreak. Also called TEMPO. We're just here to remind you to be off limits  with OUR Lexus and Fiosswei. They're our's. And nobody else's. Understood?" Sabi nung babaeng nasa gitna na sa tingin ko ay ang leader nila.

"Y-yes." Utal kong sabi.

Sumenyas ang leader nila sa iba na padaanin na ako.

Bahagya akong itinulak nung usang babae para makalusot ako sa gitna nila nung isa pang babae.

Nakakatakot naman sila. Huhuhu.

Sino kaya sila?

When Our Worlds CollideWhere stories live. Discover now