"N-akasaad sa bibliya, Exodus labing dalawa, ikawalang utos ng aking Panginoon na si Alphome, huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.Si Panginoong Alphome ang magiging una't huling Panginoon habambuhay. Wala kang karapatan maging diyos dahil kahit kailanman, hinding-hindi mananaig ang kadiliman at kasamaan at hinding-hindi ka magtatagumpay!" kahit hirap na ako sa pagkakasakal, pilit ko paring ipinaintindi lahat ng iyon sa kanya. Nang dahil sa galit ni Luciferio, humagip siya ng pinakamalakas na pwersa at ito ay itinama niya sa aking puso. Agad ko naman itong nasagi at ibinalik ng buong pwersa dahilan para siya ay napatumba. Batid ko ang buong galit sa kanyang mukha at puso. Nawalan ng lakas si Luciferio dahilan para hindi siya masiyadong nakakabangon ngayon. Agad ko namang binaling ang atensiyon ko kay Barach na ngayo'y hinang-hina na. Lumapit ako sa kanya at pilit na pinapatayo ngunit hinang hina na siya. 

"Patawad aking kaibigan ngunit hindi ko na kaya pa. Pakisabi kay Panginoong Alphome na patawarin na sana niya ako sa mga nagawa kong kamalian sa kanya. Patawad dahil hindi ko nagawa ng maayos ang misyon ko dito sa mundo at ako pa ay umibig sa isang kalaban. Patawad Kira." nakita ko ang mga luha niya na ngayo'y umaagos at pumapatak sa mga pisngi ng kanyang anak. Lubos kong ikinalulungkot ang kanyang paghihirap ngayon. Isa si Barach sa matalik kong kaibigan at alam ko lahat ng pinagdaanan niya. Alam ko kung gaano siya kabuti.

"Hindi tumatanaw ang Panginoon sa mga nagawa mong kamalian Barach. Kailanma'y hindi niya magagawang kalimutan at ipagtaboy ka. Mahal ka ng Panginoon, mabuti Siya at alam kong mapapatawad ka niya." sa huling pagkakataon, nakita kong ngumiti si Barach at ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa kanyang anak na ngayo'y himbing na natutulog sa kanyang dibdib.

"Salamat Kira. Sa huling pagkakataon, naging mabuti ka paring kaibigan at tanging aking maaasahan. Sana sa pagkakataong ito, mailayo mo ang aking anak kay Zeparo at lalong lalo na kay Luciferio. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kapag nalaman niyang may anak kami ni Zeparo." Pakiusap niya sa akin.

"Gagawin ko ang lahat Barach."

"Alam ko rin na napag-utusan ka ni Panginoong Alphome na kunin ang anak ko at ilayo kasama ang ibang mga anghel. Gusto ko sanang mabigyan ng huling basbas ang aking anak." tumango naman ako sa kanya.

"Maari mo nang gawin ngayon iyan Barach ngunit bilisan mo dahil unti-unti nang nauubos ang oras natin." pakiusap ko sa kanya. Itinaas naman niya ang kanyang kanang kamay at binabasbasan ang kanyang anak. Nakita ko kung paano niya ibinuhos lahat ang kanyang kapangyarihan na ngayo'y binasbas niya sa kanyang anak. Nang matapos na ay nawalan si Barach ng malay. Alam kong yun na pagtatapos ng kanyang buhay kaya dali dali kong kinuha ang bata at niyakap ng mahigpit ngunit paglingon ko ay isang napakalakas na suntok ang bumungad sa aking mukha dahilan para mapatumba ako at nabitawan ang bata. Nang inangat ko ang aking mukha, nakita ko si Zeparo na ngayo'y galit na galit ang mukha. Kinuha niya ang bata at binasbasan niya din ito. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang ginawa niya. Hindi maari! Kailangan ko siyang pigilan! Tumayo ako at humogot ng malakas na pwersa galing sa aking kapangyarihan upang mapatama ko iyon kay Zeparo. Binuhos ko lahat ang aking lakas na itama ang aking kapangayarihan sa puso mismo ni Zeparo. Pero huli na dahil nabasbasan na niya ang bata pagkatapos ko siyang mapatumba. Kinuha ko ulit ang bata at yinakap ng mahigpit. Kailagan ko ng makaalis dito. Dadalhin ko ang batang ito sa pinakamalayong lugar. Malayo sa lugar na ito.

Inihanda ko na ang aking mga pakpak at lumipad ngunit nakita ko si Luciferio na ngayo'y pinagbabato ako ng mapangahas na apoy. Natamaan ako sa kaliwang braso ko pero hindi iyon sapat na rason upang matalo niya ako. Lumipad ako at tumakas na doon. Narinig ko ang sigaw ni Luceferio.

"HUMANDA KAYO SA AKIN!!! KAYONG MGA KAMPON NI ALPHOME! MAGHIHIGANTI AKO! HINDING HINDI NINYO AKO MATATALO!" kasabay nun ang paglipad ng iba ko pang mga kasamahang anghel. Sinamahan nila ako sa paglipad at tinulungan maghanap ng lugar na pwedeng mapaglalagyan ng batang ngayon ay yakap-yakap ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HUNGERWhere stories live. Discover now