Page 35

371K 13.2K 6.4K
                                    

DD,

Three years.

Three years na ang lumipas nung last na nakapagsulat ako sa 'yo, Mylabs.

Three years.

2014 na!

Mag-20 years old na rin ako.

Ang bilis ng panahon 'no?

Parang kailan lang 'yong pinapangarap ko pang maging terorista at bold star.

Ngayon, writer na ako.

Nagfefeeling writer sa Wattpad. Hahaha

I discovered this application last year. 2013. Pero, sa ebook talaga ako nagsimula.

Sa loob ng three years, hindi ako nagkakatol, naghihithit ng sapatos o kung ano'ng kalokohan kaya inaamag ka sa isang bookshelf... nakasingit sa mga books collection ko.

Ayoko lang talagang mag-drama sa 'yo. Ayokong puro katoxican at nakakadown na bagay ang mabasa ko sa future. O ng magiging asawa ko. O ng mga magiging anak namin. (Kung...)

I'm a positive person since I was a child.

I don't want to change that just because I felt some negativity... lately.

Mahigit isang taon nang hindi nagpapakita sa 'min si papa. Matapos niyang mag-retire sa trabaho... nawala na siyang parang bula.

No communication. Wala lahat. Kahit mga kamag-anak niya... walang balita sa kanya. Ang sabi nila, nasa Samar daw sila... kasama 'yong kabit niya. (May sarili na raw lupa, bahay... at kotse.)

Samantalang kami... 'yung legal niyang pamilya, iniwan niya sa ere.

Nung nag-stop akong mag-aral dati... nagtrabaho ako sa isang fasr-food restaurant. Part time. Isang taon 'yon.

Saka ako bumalik ulit sa pag-aaral. Nagtransfer sa ibang school. Pero nagwowork pa si papa nun. Kaso... balik first year college. Hindi nacredit ang isang taon na pinag-aralan ko sa last school.

Nag-sayang ng isang taon. Nabully pa ako. Nagkaroon ng makulit na admirer. Na thankful ako... kasi tumigil na rin. (Pero hanggang ngayon... nakablock siya sa facebook ko.)

Ngayon, third year college na ako. Computer Engineering ang kinuha kong course. (Sabi ni papa kasi in-demand. Mabilis makahanap ng trabaho. Kahit na ang gusto kong kunin ay BS Psychology or related sa literature dati.)

Kaso, utos ni papa.

Pero iniwan niya ako sa ere. Wala na akong nakukuhang allowance sa kanya. 'Yung tuition ko na halos 30K sa isang sem... ginagapang 'yon ni mama, para lang makapagtapos ako.

Nag-aalaga siya ng baboy, kambing... at todo-kayod sa tindahan. Binenta pa niya 'yong nag-iisa naming alagang baka para lang makapagbayad ng tuition ko. Na sobrang nakakakonsensiya. 'Yung tipong gusto ko na lang tumigil ulit. Para wala na problema.

Kaso... kailangan. Kailangan ng diploma para sa magandang career. Lahat naman ng sakripisyo ni mama para sa 'kin. At lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral... masusuklian din 'yon sa tamang panahon.

Ano ba naman ang konting tiis, tiyaga... at sangkatutak na efforts?

Last summer... nagtrabaho ako sa isang electronics shop sa Tondo, Manila. Para makapag-ipon ng pang-tuition sa susunod na pasukan. 'Di ko 'yon pinaalam kay mama.

Tatlong sakay mula sa apartment ko, back and forth. Ang mahal ng pamasahe. Nagba-bus pa ako sa EDSA, na kahit sobrang nakakapagod, wala akong choice kung hindi ang tumayo sa buong biyahe. Traffic, maraming pasahero, at konti na lang talaga ang gentleman sa mundo.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon