"masasaktan talaga ang anak ko, salamat at pinili mo sya. siguro tinotopak na sya ngayon pero dahil hindi ka sumuko kahit papaano napipigilan pa nya yung topak nya, lahat na lang ba mamanahin ng anak ko? Nagkaroon din ako ng prob sa in-laws ko buti hindi nag give up si aaron sa akin"

"sorry po mommy.. kung nasasaktan si vince ngayon.. "

Hindi ko na din napigilan na hindi umiyak. Hindi ko akalain na sobra sobra talagang masasaktan si vince. Niyakap ako ni mommy yna.

"Ssshhh.. hindi mo kailangang magsorry anak.. basta huwag kang titigil na mahalin si vince wala kang magiging problema sa akin. after ng engagement party nyo noon ko lang nakita si vince na ganun kasaya, gusto ko makita sya araw araw na ganun at alam ko ikaw lang ang makakapagbigay nun sa kanya venice"

"makakaasa po kayo mom"

"at dapat mabigyan mo na ako ng apo"

"hahaha sige po sabihin ko kay vince"

"sana maayos nyo agad yan.. alis na ako.. pupunta ba dito si vince michael?"

Nasa may pinto na kami ng bahay ko. Kahit sobrang ikling oras lang ang itinigil nya sa bahay, sapat na yun para kahit papaano gumaan ang loob ko. Sapat na yun para maramdaman ko na hindi lang kami ni vince ang haharap sa problema namin.

"hindi ko po alam mommy, basta basta na lang po sya sumusulpot dito"

Napailing na lang mommy nya sa sinabi ko. Siguro isip isip nya TOPAKIN talaga. WOW gab nakakabasa ka na ng iniisip ng mga topakin? YEHEY!!! hahaha

"bukas. punta ka sa bahay huh? Dun kana mag spend ng weekend sa bahay.. para makapagsimula na na tayo ng detalye ng sa kasal mo.. yaan mo yang si vince.. kung ayaw nyang mag asikaso,.,. pipikutin natin sya"

HALA sariling anak ang pipikutin? Adik lang ni mommy. Pero LIKE ko yun. Kung yun lang ang tanginjg paraan para matuloy lang na makasal kami. PIPIKUTIN TALAGA KITA VINCE MICHAEL VILLALUZ!!!

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now