BS 006

388K 5.7K 694
                                    

Dedicated po kay taratitat. 




VINCE'S POV: 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para halos kaladkarin ko sya para makaalis kami sa resort. Nasaktan kasi ako nung pilit syang kumakawala mula sa pagkakayakap ko.. mula sa pagkakahalik ko. Ni hindi na din nya nagawang tumutol pa.. siguro ramdam nya na tinotopak na naman ako.

Sino bang hindi totopakin dun eh gusto nya akong layuan?? Napangiti na lang ako.. alam pa din nya kung paano sakyan ang topak ko. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta o kung saan ko sya dadalhin.

Wala akong ibang maisip kasi hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko na sya ngayon. Pero hindi pa din sya tumitingin sa akin. 

Halos kalahating oras na kaming bumabyahe pero hindi nya pa din ako tinitingnan. O nakatulog na din sya kasi hindi ko din naman sya magawang kausapin. O nagkunwari lang din syang tulog para umiwas na magkausap kami? 

Pero kahit ano pang iwas mo.. sa tingin mo ba papakawalan pa kita VENICE GABRIELLE?? 

Sa condo ko na lang sya dinala. Atleast dito makakapag usap kami. Makakapag usap nga ba kami ng maayos dito? Seryosong tulog nga sya kaya binuhat ko sya na parang bago kaming kasal..

 Parang bagong kasal??

 Pwede kaya namin gawin din yun? 

Yung parang HONEYMOON din? 

VINCE kung ano ano lang ang iniisip mo. Nung inihiga ko sya sa kama ko hindi mapigilan na hindi sya pagmasdan. 

"masisisi mo ba ako VINCE kung nagawa ko man ang lahat ng to?" 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon