Oneshot--Tampon..

997 15 3
                                    

Don't judge a story by it's title.. ;)

┣▇▇▇═────────────────────────────

"Chatmate, bakit ganun?" Nagulat ako nung biglang may nag-pop sa chatbox ko habang nagso-scroll ako sa news feed ko sa FB..

Si Kent Salazar, chatmate ko..

"Ano na naman ang nangyari chatmate?" -Ako

"Kase naman chatmate, nakipagbreak na siya saken, yung kinikwento ko sayo. Di ko nga alam kung bakit eh." -Kent

"Di man lang siya nagpaliwanag??" -Ako

"Di chatmate eh. Pagkatapos niyang makipagbreak, umalis na siya kaagad. Ako naman si tanga, napako sa kinatatayuan ko at di ko na siya nahabol." -Kent

"Aish! Di ka tanga no. Alam mo chatmate, wala na tayong magagawa, desisyon niya yun eh. Kailangan nating respetuhin kahit anong mangyari. Siya naman nawalan eh, di ikaw kaya wag ka ng magmukmok jan." -Ako

"Haba ng lintanya natin chatmate ah." -Kent

"Aba't may gana pang mang-asar?? Ganun?!" -Ako

"Ikaw naman chatmate, di mabiro. Pero chatmate, diba di pa tayo nagkikita in person?" -Kent

"Tss. So?" -Ako

"Ay, suplada lang? Ganun? Magkita kaya tayo, tutal di pa tayo nakakapag-meet in person? Good idea yun." -Kent

"Ge, sa bahay na lang nina Miggy, bukas." -Ako

"Sige! Ingat! Alis muna ako. ^u^" -Kent

"Ge, ingat ingat rin. ;)" -Ako

Kent Salazar is now offline

Haiish! Kung nagtataka kayo sa mga nangyayare, si Kent ay malayong kamag-anak nina Miggy. Si Miggy naman ay bestfriend ko simula nung grade school. Tas pina-add ni Miggy saken sa FB itong si Kent, in-accept naman ni Kent. So yun, naging magka-chatmate kami..

At sa araw-araw ba namang magka-chat kami, mas lalo kong minamahal siya. Tama mahal ko siya. Ang saya ko nga kanina nung sinabi niya saken na nag-break na sila ng girlfriend niya. Ang malas lang ng babaeng yun at pinakawalan pa itong si Kent. *sigh* Kailan kaya ako mapapansin ni Kent? Kailan kaya magiging ako naman?

Good thing at nagyaya si Kent na makipagkita. Tama! Unang pagkikita namin to. Almost 5 months at chat lang kami ng chat. Antagal ko na siyang gustong ayain na makipagkita pero may part sa akin na parang nahihiya na ako pa ang mag-aaya. Buti na lang ngayon at siya ang nag-aya. XD

Kailangan ko ng mag-beauty rest. Para mas lalong gumanda ako. Hihi. Anglondee lang. x)

The next day..

Actually, 8 AM pa lang ngayon. Pero gusto kong maaga ako, matagal ko na rin kaseng di nakakabonding si Miggy. Summer kase ngayon, antagal na naming di nagkikita..

Naglakad ako papunta sa cabinet ko..

Tshirt? Hagis. Dress? Psh. Too formal. Hagis.

Kinuha ko ang ripped skinny jeans ako at ang Red Miami Jersey ni LeBron James na may nakakabit na talaga na inner white t-shirt. Tinapat ako ang dalawa..

"Hmm? Bagay kaya?" Tanong ko sa sarili ko..

Napagpasyahan kong ito na lang ang suotin ko. Dali dali naman akong pumunta sa banyo at naligo. Pinusod ko muna ang buhok gamit ang tuwalya para mabilis matuyo at nagbihis. Kinuha ko na rin ang plain black doll shoes ko at sinuot, sinuklay ko na rin ang buhok ko at naglagay ng konting concealer sa eyebags at brown eyeliner lang..

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now