*

56 6 1
                                    

. Araw ng Parade.

kasama ko sila nathan na umakyat dito sa isang lumang building na hindi tapos sa pag gawa.

" boss, dito tayo pumwesto . ".

agad naman pumunta si nathan dun para tignan,at yung iba naman nag aayos na ng mga baril nila.

" tamang tama tong spot na toh, galing mo talaga paul. "

sabi naman ni nathan kay paul. Habang ako naman pinapanuod lang sa gingawa nila. Wala akong ka emosyon emosyon sa pwedeng mangyari. panunuorin ko lang sila sa gagawin nila.

mga ilang saglit nagkukumpulan na sa gilid ng daan yung mga tao .

Nakikita ko kung gaano sila kasaya.

maya maya pa naaninag ko na yung mga float na dumarating.

may mga banda, sumasayaw at mga magagandang dilag, na kasali sa parada na nagbibigay entertainment sa mga nanunuod. 

at ang huling float sa pila ay sila mayor Eman.. 

" boss ayan na sila. ".

agad agad naman sila pumwesto sa mga baril nila hanggang sa mapalingon sakin si nathan.

" mika, "  tawag niya ng pangalan ko habang ngiting ngiti siya sakin. tumayo siya at tinuro sakin yung baril. nakuha ko na yung ibig niyang sabihin.

" pag kakataon mo na toh mika, nakikita mo ba yung babaeng nasa unahan..  siya ang target mo".

tumingin naman ako sa telescope at hinahanap yung babaeng tinuturo niya.

tugtug!tugtug!tugtug!.

biglang lakas ng tibok ng puso ko nang makita ko yung itsura nung babae.

siya yung babaeng sinakay ko sa kotse ko nung nakaraan.

humihinga ako ng malalim at biglang napapikit.

" boss papalayo na sila, ano na".

ramdam ko na ako lang ang iniintay nila. At alam ko din na tinitignan nila ako.

sumilip ulit ako sa telescope, nanginginig akong humahawak sa trigger. dahan dahan kong binababa.

Pero nataon na humarao sa dereksyon ko yung babae. Nakita ko yung maamo niyang mukah pati na din yung ngiti niya na nagpatibok nanaman sa puso ko.

tugtug!tugtug!. *sigh..

bigla nalang ulita ako napapikit.

" ano ba mika! IPUTOK MO NA.!. "

sigaw sakin ng mga kasamahan ni nathan.

parang narindi naman ako sa narinig ko at bigla nanaman nag flash yung galit sa puso ko.

" aahhh!. ". sunod sunod ko pinutok yung sniper, sabay sumunod naman sila.

hindi ko na tinignan kung sino yung tinamaan. agad kong binitawan at tumalikod paalis sa kanila.

nakita ko naman yung ngisi sa mukah ni nathan habang papaalis ako.

pagbaba ko ng building nakita ko nalang yung mga taong nagtatakbuhan. Mga pulis, at ingay ng ambulansya pero hindi ako nagtungo kung san direksyon sila patungo.

" nabaril daw si mayor. ".

" nako jusko!!".

" tara dali!!".

tama ba yung narinig ko. Natamaan si mayor eman. Pero bakit hindi ako masaya?. Bakit parang wala lang sakin..

habang malalim nanaman ang iniisip ko,hindi ko akalain na napahinto ako sa isang flowershop.

naalala ko tuloy si daddy. Kaya bumili ako ng bulaklak para dalawin nalang si daddy.

pagkababa ko ng kotse ko.

malayo palang naiiyak na ako.

palakad na ako sa puntod ni dad,hanggang nasa harapan ko na siya.

" hi dad, namimiss na kita, wag ka po sanang magagalit.. " naiiyak kong sabi sa kanya habang nakaupo ako sa damuhan.

" alam ko pong nakita niyo yung ginawa ko kasi alam kong lagi niyo akong binabantayan.  I'm sorry dad".

napayuko nalang ako habang umiiyak.

uuwi na sana ako sa condo ko, pero naisip kong dumaan muna kila mommy.

" mika anak.". pagadating ko, parang sobrang nag alala sakin si mommy, pati si ate hinahaplos haplos nila yung muka ko pero nirereject ko lang mga kamay nila.

" hey ano ba.... ".

irita kong sabi sa kanila.

" where have you been mika?. sobrang kaming nagaalala sayo".

si ate naman.

" nabalitaan mo ba yung, nangyari kay tito eman mo?. ". - mommy

" he got shot" - ate.

" and nasa critical siya, nako jusko anak, kawawa naman siya." - mommy.

" hmmm". tinignan ko lang sila at umalis na sa harapan nila. Narinig ko na parang nag sigh si mommy.

"anong nakakaawa dun?. kung hindi dahil sa kanya edi sana buhay si daddy ngayon. ".  umalis na ako sa harapan nila at pumunta na sa kwarto ko.

kinuha ko lang yung gitara ko,dahil babalik na ako sa condo ko nang pumunta sakin si ate.

"mika can we talk?. ".

"what now?. ". habang inaayos ko sa lagayan yung gitara.

" dadalaw kami kay tito eman bukas,baka naman pwedeng sumama ka?, napaka bait satin nung tao simula nung nawala...."

" sa inyo siya mabait, hindi sakin! kayo nalang pumunta.". hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin niya,kaya sumingit na ako.

" mika please, kahit ngayon lang naman oh, sasamahan mo lang kami ni mommy. ". yung tono ni ate na parang malungkot kaya napa buntong hininga nalang ako.

" i'll try.".

sagot ko sabay alis na... . Pagdating ko sa condo, kumuha ako ng beer sa ref sabay at dumeretcho na sa veranda. pagkatapos ko inumin yung beer na hawak ko. Nagshower na ako,at umupo sa higaan ko hawak yung gitara ko.

Bigla ko tuloy naisip sila mommy.

matagal ko na sila hindi kinakausap ng maayos,matagal na akong cold sa kanila.

.....

Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung sasamahan ko ba sila mommy or hindi.

ang boring boring na ng buhay ko, hindi ko din maisip kung pupuntahan ko pa sila nathan, ang sakin lang ngayon ayoko silang makita.

Wala na akong nagawa kundi tumayo nalang at pumunta kila mommy.

Pero hindi ko sila tinext at tinawagan.

pag dating sa bahay namin,

Para akong nanlulumo habang naglalakad palapit kila mommy.

" hindi na ba sasama satin si mika?".

si mommy na tinatanong si ate.
" hindi na siguro mom. ".

nakita ko naman lumungkot yung mga mata nila.

" mom, sasama ako. ".

nagulat sila nung marinig nila ako, hindi na ako ulit nagsalita pa dumeretcho sakay nalang ako sa kotse namin.

habang bumabyahe,hindi ako nagsasalita. hindi din naman nagbabalak sila mommy na kausapin ako. siguro nasanay na din sakin.

nakatingin lang ako sa may bintana,tinitigan yung bawat kotseng dumadaan, mga tao, mga mag syota, estyudante, lahat sila nakikita kong nag uusap usap at nakatawa.

naisip ko tuloy

ako kaya makakatawa pa??.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HARDEN MY HEART (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon