I.

63 4 0
                                    

"mika, narinig mo ba yung balita?".

"Oo narinig ko,at napanuod ko pa nga". sabi ko naman kay paul isa sa mga grupo ni nathan.

"ngayong lunes pala, ang parada nila mayor Eman , so handa niyo na sarili niyo, ang sayahan nila lalagyan natin ng drama" sabay ngisi ni nathan.

bigla akong nagulat sa sinabi niya,ito na yung dati ko pang hinihintay na pagkakataon pero bakit bigla akong natakot?.

"oy mika, nakikinig ka ba sakin?".

tanong sakin ni nathan.

" ayy oo nath nakikinig ako,". pero ang totoo wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

naisip ko si daddy, si mommy at si ate. Naguilty naman ako, pero para din toh kay daddy. hmm. .

Pagkatapos ng discussion namin nila nathan, makikipag inuman pa sana ako pero naisip kong umuwi nalng.

pagkapasok ko sa condo ko,nafeel ko ung loneliness na matagal ko ng hindi pinapansin. Nagiisa ako namumuhay sa sarili ko.

hindi ko na feel yung presence ni ate at mommy kahit alam kong mahal na mahal nila ako, sarili ko na mismo ang nagbibigay dilim sa tinatahak kong landas at decision sa buhay ko.

I dont know how to love, wala akong naging pag ibig ever since. Ang tigas ng puso ko ,na para bang wala akong ibang emosyon kundi ang tanging pag iyak lang sa kwarto ko mag isa habang iniisip ko yung galit ko.

14 years na ang nakakalipas, pero bawat detalye sa nakita ko, tandang tanda ko pa.

Kung pano masaktan si mommy na nawala si daddy, yung hagulgul na iyak ni ate na halos hindi na kumakain at ako na pinapanuod sila na hindi ko alam kung pano ko sila patatahanin.

Ang bata ko pa,pero bakit ganun yung utak ko, nag function nalang na para bang hindi ako dapat maging mabait.

Nakatayo ako sa terrace habang nagyoyosi at umiinom ng beer habang iniisip lahat ng to. Nagkaroon nga ako ng kaibigan ,pero tama ba na lapitan ko sila? na mga criminal at balang araw mdadamay din ako sa pinagagawa nila?.

Pero hindi ko din masisi sarili ko, dahil pinili ko to, kahit na alam kong hindi dapat. Kailangan ko panindigan yung mga pinag gagawa kong toh.

Hindi na din ako umaasa na may isang taong makakapag bago sakin at kaya akong gisingin sa katotohanan dahil sarili ko nga hindi ko magising gising, itong puso ko galit eh.

.......

Isang araw nagpunta ako sa isang fast food, swerte ko nalang at may bakanteng counter dun.

" hello po, welcome to jollibee.".

masiglang tanong sakin ng babae sa counter habang nakatanga lang ako nakatingin sa menu.

"isang champ, isang jolly hotdog yung classic and then palabok. amd take out miss. "

Agad ko namang binayaran at kinuha ko agad yung order ko, palabas na ako ng jollibee ng biglang may tumayo at nagharang sa daan kaya binangga ko nalang siya,

"Hey. !".

sigaw nung babae pero naglalakad lang ako ng derecho.

nilagay ko na yung food sa car ko, ng my nakita akong nakaupong babae sa my bleacher na umiiyak.

napalingon lang ako saglit,sumakay na ako sa car, chineck yung side mirrors then lumingon ako ulit sa direction nung babaeng umiiyak, nakita kong may kausap na lalaki yung babae.

Pero parang nagmamakaawa yung babae, sa bawat hawak nung babae sa lalaki pilit na kumakawala yung lalaki, ang ayoko lang sa nakita ko hinawakan niya yung kamay nung babae ng mahigpit at tinulak niya ito.

HARDEN MY HEART (girlxgirl)Where stories live. Discover now