PERFECT SHOES

702 18 15
                                    

“Perfect Shoes”

By: NessieChocoHersheys

Our eyes can’t see what our heart can feel...

Our brain can’t transmit what our heart is trying to say...

Just listen...

With what your heart is trying to say...

We don’t notice that what we’re looking for is actually the man in front of us...

*HER POV*

But that would be ok if we just stay together...

I really love this song. Para kasing meant to be kami ni Joshua. Pag naririnig ko to, bumibilis ang tibok ng puso ko at iisang tao lang ang nasa isip ko... si Joshua. ^_^

Si Joshua ang best guy friend ni Michael na Bestfriend ko naman. Sabi ko nga kay michael ilakad na niya ako sa kaibigan niya pero ayaw niya pa rin. What’s the matter? Peanut butter!! Hindi. Joke lang! ayokong magpalakad noh! Pero alam ni my bestfriend michael ang nararamdaman ko para kay Joshua. Ahai.

*mall*

“GHIA!!!” narinig ko ang aking pangalan mula sa malayo.

And to my surprise... “Alyssa!!!” tinakbo ko naman ang distansya namin at niyakap ko siya. “kelan ka pa bumalik? Tsaka.. ang ganda ganda mo na ah!!”

“thank you ghia.” Naramdaman ko naman ang pagyakap niya ng mahigpit. “kahapon lang ako nakauwi. buti nakita kita dito sa mall. Kumusta ka na?!!!”

At nagkamustahan lang kami ni aly na bestfriend ko way back in high school. Nagmigrate kasi sila sa states kaya nalayo siya sa akin. Pero buti umuwi na siya. at ang ganda ganda na niya talaga.

“oo nga kasi pogs! Ang ganda ni aly ngayon. Oh ano? Ilalakad na kita?” tsaka pa ako humagikgik.

“walang hiya ka pogs! Binubugaw mo na ako?” tapos mukha pa siyang nagdamdam.

Kasama ko si michael ngayon sa house. Wala kasi sila mommy at daddy, so i invited him. “haha ang pangit mo talaga, nga pala. Kumusta na si josh?” at bigla naman daw namungay ang aking mga mata.

“KADIRI yang mata mo!” pang aasar niya sa akin na parang natatawa.

“to naman!” at tumabi ako sa kanya. “ikaw kasi di mo pa nararamdaman yung inlove. Yung tuwing nakikita mo siya parang ang ganda ng mundo. Yung feeling mo lahat ng nasa paligid mo nawawala at siya na lang ang nakikita mo. Yung feeling na kahit walang maganda sa araw mo mapapangiti ka pag siya na naiisip mo.” At ninamnam ko pa ang mga pinagsasabi ko. napapikit ako habang sinasabi yun. grabe lang! nakakahyper sa tiyan tong nararamdaman ko. nakakakiliti. Ahahai.

“nararamdaman ko na kaya...”

Narinig kong nagsalita si michael kaya napatingin ako sa kanya which is a wrong move. Nang pagtingin ko sa kanya, di ko namalayan na nakatingin pala siya sa kin. At dahil katabi ko siya sa upuan, ang lapit ng mga mukha namin. Bigla akong natulala at parang tumigil ang oras. Dahil narinig kong bumilis ang tibok ng puso ko... bakit? Bakit ganyan siya makatingin?

*DOORBELL*

Sabay naman kaming nagulat sa tunog ng bell. Which is napaghiwalay kami ng tingin sa isa’t isa. Tumayo naman ako agad.

“buksan ko lang yung gate!” sabi ko at nilayasan na siya.

Bakit ganun? Bakit paran bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng pawis? Wooh!

Lumipas ang ilang araw at parang may konting ‘ilang’ or ‘awkwardness’ na akong nararamdaman kay michael. Konti lang naman, yung tipong ayaw ko nang tumatabi sa kanya at nakukuryente na kasi ako. hindi naman sa may lahi silang kuryente pero, yun ang nararamdaman ko. So what i did is hindi na ako ganun lumalapit.

PERFECT SHOES (One shot story)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα