Si Kym Xavier at si Kuya Lex ay Kinasal na rin. Atat nga kasing ikasal yang dalawang yan. Gusto na siguro mag-PBB Teens, Joke! Pero may dalawang anak na sila mga bruha! Twins kasi eh. Waah, Gusto ko rin ng Twins! 

Si Ysabel Salvatore (Sa Dobleng Paghanga siya, Trip ni Ms. Otor na isali siya dito sa Epilogue) naman ay engaged na rin sa kanyang Vampire Diaries partner na si Damon Forbes. Chos. 

At ako? Forever Alone. Joke! May mahal nga ako, nasa Pilipinas siya. Di ko lang alam kung kailan ko ulit siya makikita. But the moment I find a chance to see him, ipagsisigawan ko na mahal ko parin siya.

Minsan naiisip ko, mahal pa kaya niya ako? I mean, 10 Years akong nasa America. Imposibleng wala siyang na-meet na girls. Although, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi naman imposible na ma-attract siya sa iba diba? 

"Hoy, Ang tagal mo naman diyan" Sigaw ni Dom mula sa labas ng Dressing room. Nag-uusap kami lagi sa tagalog para walang makaintindi sa amin. Ayoko kasing maichismis. 

Lumabas na ako ng Dressing Room at umupo sa tabi niya. "Lungkot mo?" Sabay poke sa pisngi ko. 

"May babalikan pa kaya ako sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya. Para akong nawawalan ng gana kapag naiisip ko ang tanong na yan. Meron pa nga ba akong babalikan sa Pilipinas? 

"Hindi ko masasabi sayo ang sagot. Why don't you find out for yourself?" Bigla siyang may nilabas na envelope mula sa bulsa niya. "Open it" Inabot niya sakin yung Envelope at binuksan ko.

O___________________________________O

"Totoo ba itong nakikita ko?" 


"Ay hinde, imagination mo lang yan =.=" Nangbabara pa eh. Minsan na nga lang maging engeng. Kasi naman, pagbukas ko nakita ko ang isang napaka-gandang PLANE TICKET pabalik ng PILIPINAS.

Yung ngiti ko abot langit. Agad kong niyakap ng mahigpit si Dom. "Waaaah! Thank you Thank you Thank youuuuuu! I love you talaga bestfriend!" Nagtatatalon ako na parang sirang plaka dito sa dressing room. Siguro tinatawanan ako ng manager ko ngayon. 

--------------------------------------------------------------------------------------

"Ladies and Gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 9:45am and the temperature is currently 30 degrees celcius. For your safety and comfort, we ask that you please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. Thank you" 


Hello Philippines. I missed you so much. Nilabas ko agad yung phone ko at nag-send ng text kay Dom na naka-land na ako sa Pilipinas. Nag-reply din agad siya. Punta daw agad ako sa dati naming school at na-miss daw ako ng mga Teachers dun. Weh? Di nga? 

Syempre ayoko naman maging rude kaya doon ako dumeretcho. Of course pinadala ko muna yung maleta ko sa bahay. Alangan namang bitbitin ko yun dun =.= Ano ko homeless person? Nomad? 

The Casanova's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon