Her Last Day

5.1K 95 10
                                    

"Good Afternoon Passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to the United States of America. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular Boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you" 



10 Minutes nalang. 10 Minutes nalang at aalis na ako ng Pilipinas. Lahat ng memories ko dito sa Pilipinas, nag-flash sa aking isipan. Lalo na nung first day ng pagiging Second Year student ko. Hindi ko aakalaing makakakilala ako ng mga kaibigan tulad nila Dom, James, Kym at Ryu. 

Naalala ko nanaman 2 days ago. Inaya ako ni James na pumunta sa resort nila sa Batangas. Ang akala ko si Dom at Kym lang ang kasama namin yun pala si Ryu din kasama. Ang awkward sa bus nun. 

At ang malala, nasiraan pa kami sa gitna ng daan. 

*FLASHBACK*

"Ang bulok naman ng sasakyan niyo pre" Asar ni Dom kay James. 

"Bigat mo kasi kaya ayan, di kinaya ng makina" Sabi naman ni James. 

"Maghahanap lang ako ng tindahan, nagugutom na ako eh" Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita" -Dom

"Hindi na, baka kailanganin ni James ng tulong. Sandali lang naman ako" Ngiti ko.

"Ingat ka ha?" Pinisil niya yung kamay ko. 

"Opo, Babalik ako agad" Naglakad lakad na ako dun sa lugar. Ang tagal ko ng naglalakad pero ni-isang tindahan wala akong nakita. Left, Right, Left, Left. Sandali, Paano ako napunta sa gubat? 

Tumingin ako sa paligid ko. Puro puno lang ang nakikita ko. Hala! Asan na ako? Diyos ko po, parang awa niyo na sana walang sawa dito o kaya bayawak. Masyado pa po akong bata para mamatay. Kung kakarmahin niyo po ako sa ginawa ko, ipabunggo niyo nalang po ako sa isang porsche. 

*Wuuusshhh* 

Hala?! Nakisali pa yung ulan. Kumaripas na ako ng takbo dahil nababasa ako ng ulan. At buti nalang at may nakita akong maliit na kubo. "Tao po?" Kumatok ako dun sa pinto pero walang sumagot kaya pumasok nalang ako. 

The Casanova's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon