6

5.5K 32 0
                                    

Biyernes.

Nasa labas na nang mall si Jigger na pinagtatrabahuhan ni Love. Sobrang excited kaya siya mula pa noong nakaraang sabado, nang sinabi nitong siya ang lalaking gusto niyang makakuha ng pagkabirhen niya.

Sabado ng hapon, hanggang ngayon, napakagaan ng pakiramdam niya. Para siyang jumackpot sa lotto. Matagal niya nang pangarap na maangkin si Love. Ang katawan nito, at pagmamahal.

Mula din noong sabado, wala ng nangyari sa kanila ni Fely. Hindi niya ginalaw ang kinakasama, parang nawalan siya ng gana dito. Ang gusto niyang paliyagahin ay si Love.

Matagal niya ng minamahal ang babae. Kahit sa mga birong inaakala ni Love, sinasabi niyang mahal niya ito na ang totoo, ay seryoso siya.

Kaya nang araw na pinahawak ni Love ang mga boobs sa kanya, laking tuwa talaga niya! Halos mapuyat siya noon kakaisip. At lumalampas pa doon ang imagination niya. Na ngayon nga ay magaganap na!

Siyempre, naligo siya at nagpabango para dito. Gusto niyang masiyahan ng husto si Love, at hindi malimutan ang araw na ito. Makikipaghiwalay na siya kay Fely, bahala na!

Hindi naman nagtagal, lumabas ng mall si Love, at ang ganda ng ngiti sa kanya!

"Baby Jigz, na-miss kita!" Bati nito, sabay halik sa pisngi niya. Para talaga siyang magsyota sa mga kilos nila.

May mangilan-ngilang napapatingin, alam niya kung bakit, maganda si Love, walang duda, at siya, hindi naman niya masasabing kagwapuhan,  pero hindi siya ganoon kapangit. Ang swerte niya talaga sa bestfriend niya!

Yumakap saglit si Jigger kay Love. "Saan tayo ngayon?" Masayang bati niya.

"Uhmmm, ang bango mo naman! Favorite ko yang amoy na yan ah!"

"Alam ko, kaya ito ang ginamit ko." Regalo talaga ni Love ang pabangong iyon sa kanya noong nakaraang pasko. Madalang lang niyang gamitin.

"Sakay tayo ng jeep, akong bahala sa lugar." Bumingisngis pa ito.

.
.
.

Somewhere in Edsa lang naman sila. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Love na pumunta sa lugar na iyon. Parang alam na alam nito ang lugar. 'May nakasama na kaya siyang lalaki rito noon?' Hay, gustong sumama ng loob ni Jigger sa naisip na tanong.

Pagpasok sa isang kuwarto, naupo lang muna sila sa kama, parehong nakikiramdam.

"Ahmm, Jigz, maligo lang muna ako." Paalam nito, sabay tayo at punta sa banyo.

Silhouette glass ang pinto ng banyo. Napalunok si Jigger ng makitang nagtanggal ng damit si Love.  Bigla naman nitong binuksan ang pinto.

Sabay silang nagulat sa hindi maintindihang dahilan. Hindi naman niya nakita ang kahubdan nito. Ibinaba lang ni Love ang damit sa gilid ng pinto sa labas. Maayos na nakatiklop ang mga damit nito. Maselang babae yata talaga si Love.

Muling sinara ang pinto, at binuksan ang shower. Napansin ni Jigger na nakatayo lang si Love sa tapat ng shower, hindi gumagalaw ang mga kamay nito upang magkuskos. 'Kinakabahan kaya siya kaya ganun?' Nakatayo na ang sandata, naghahantay na lang ng pagkakataon.

"Jigger..." Tinawag siya ni Love.

"Bakit?"

"Tanggalin mo ang damit mo, pumasok ka dito." Utos ni Love.

Sumunod si Jigger, ginaya niya ang ginawa ni Love, pagkahubad ng damit, tiniklop din niya ito ng maayos, at ipinatong sa mga damit ng babae na nasa lapag.

Pagpasok ng banyo,nabasa siya sa  maligamgam na tubig na lumalabas mula sa shower.

Namangha siya sa nakitang kaseksihan ng babae. Kahit hindi kalakihan ang dibdib nito, panalo naman sa bewang, tyan at binti. Alam niyang seksi si Love, pero mas nakakahangang makita na wala itong saplot na suot.

Bestfriend With BenifitsWhere stories live. Discover now