3

6.6K 26 0
                                    

Mula nang araw na iyon, wala nang sumunod na mainit na pangyayari sa kanila ni Jarried.

Kinabukasan din naman, umuwi na sila sa Quezon City dahil tapos na ang piyesta ng Arayat.

Masayang bitin ang pakiramdam ni Love sa pag-alis sa Arayat.
Masaya- dahil sa kakulitang ng mga barakada niyang kasama.
Bitin- dahil hindi natuloy ang dapat sanang pagse-sex na magaganap sa kanila ni Jarried.

Pero kahit ganoon, pasalamat na rin si Love na hindi natuloy ang pangyayari, dahil para na rin niyang pinagtaksilan si Emalyn kung sakali.

Nag-isip si Love, kakausapin niya si Jarried, dapat kalimutan nilang dalawa ang nangyari.

At pagbalik ng Mindanao Avenue, habang inihahatid siya nina Jengjeng, Jarried at Jigger, pasimple niyang kinausap ang lalaki at sinabing kalimutan na ang pangyayari. Sinabi niyang balikan na nito si Emalyn dahil mahal na mahal siya ng kaibigan. Ayaw niyang magtaksil kay Emalyn, at ngayon, nagsisisi siya sa ginawang pang-aakit kay Jarried.

At habang daan, tahimik na silang naglakad.

Wala namang nagtanong kung ano ang pinag-usapan nila at bigla na lang silang naging tahimik pareho.

Ilang linggo ding hindi pumunta si Love sa tambayan. Pilit kinakalimutan ang pangyayaring iyon. At kahit lagi pa rin silang magkasama ni Emalyn, wala siyang binanggit dito.

Nang magbalik siya sa tambayan, wala na si Jarried. Umuwi na daw ng Tarlac dahil may gusto daw kalimutan, ayon kay Jengjeng at pakiramdam ni Love, makahulugan ang tinging binigay nito sa kanya.

Malamang, ikinuwento ni Jarried na muntik na silang mag-anuhan, magbest friend kaya silang dalawa, kaya marahil alam na nito.

Ano kaya ang iniisip ni Jengjeng patungkol sa kanya?

At mula noon, medyo hindi na dumidikit si Jengjeng kay Love, kapag lumalapit siya, may mga dahilan ito at aalis na.

Kaya naman, lalong napalapit si Love kay Jigger.

At sa tambayan, kapag nakahiga siya sa kama, pinapatabi niya pa rin si Jigger sa kanya, at ng minsang naiwan silang dalawa ng lalaki, bigla na naman lang may kalokohang naisip si Love.

Pero iba sa naramdaman niya noon kay Jarried.

Hinawakan niya ang kamay ni Jigger at ipinatong mismo sa kanyang dibdib na siyempre, ikinagulat nito.

"Love..." Tinangka pa nitong alisin ang kamay.

"Ayos lang, hawakan mo, hawakan mo lang." Walang buhay na sabi niya.

Gusto niyang maramdaman ang excitement na naramdaman noon. Hindi lang libog kundi iyong pakiramdam na handa mo nang isuko ang sarili mo sa isang lalaking pinagkakatiwalaan mo.

Pero walang ganoong pakiramdam.

Nag-iinit lang ang pakiramdam niya.

Hawak lang ni Jigger ang dibdib niya, nakadakot ang mga palad nito.

"Shit naman oh, Love, baka hindi ako makapagpigil."Reklamo na ni Jigger, alam ni Love na tinitigasan na ang kaibigan.

Inialis niya ang kamay nito.

"Pasensiya na Jigz, pero ok lang ba kung minsan, hahawakan mo ito? hahawakan lang!"

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jigger. Pero magmula noon, kapag inilapit na ni Love ang kamay niya sa mga dibdib nito, hinahawakan niya na talaga ang mga iyon, minsan, nilalamas niya pa at natutuwa siyang makita ang nasasarapang hitsura ni Love kapag madiin niya itong nilalamas. Pero lagi siyang nabibitin dahil hanggang sa ganoon lang ang gusto ni Love. Kaya nang nag-asawa siya, wala siyang ginawa kundi ilabas lahat ng libog na bumabalot sa katawan niya sa asawa na dapat ay kay Love niya ginagawa.

Nabawasan naman ang kakaibang trip ni Love kay Jigger nang mag-asawa ang lalaki.

Noong, halos linggo-linggo niyang pinapahawak ang mga suso kay Jigger. Talaga namang nag-iinit ang pakiramdam niya, pero hindi niya alam kung paanong nakakapagpigil siya kapag bumababa ang mga kamay nito sa kanyang shorts upang damhin ang kaselanan niya.

Hindi siya handa kay Jigger. Hindi si Jigger ang gusto ng katawan niya, ng pagkababae ni kundi si Jarried.

At ang kawawang si Jigz, pupunta ng banyo upang magpalipas ng init. Nagmamariang palad na lang ito. Pero sinabi nitong, masaya na siya sa ganoon, dahil halos lahat daw silang mga lalaki, pinapantasya na mahawakan man lang ang maseselang bahagi ng katawan niya at ninanais na isa sa kanila ang makabirhen sa kanya.

At nang mag-asawa ang itinuturing niyang bestfriend na lalaki, halos once a month na lang kung makahawak ito sa biddib niya. Ayaw niya kasing isipin na pinagtataksilan nila si Fely na asawa nito, kahit pa sabihing lamas lang naman ang nagyayari. At alam ni Love na inis si Fely sa kanya kaya minsan, umaalis ito ng bahay kapag dumadalaw siya, kahay hayun, nakakalusot pa rin ang kakaibang trip ni Love.

Bestfriend With BenifitsWhere stories live. Discover now