Chapter 1

43 2 1
                                    

"Alexandria!!! Ano ba! Ang tagal mo naman diyan!" sigaw iyon mula sa labas ng pinto ng matalik kong kaibigan.

"Oo na, palabas na..." sigaw ko pabalik habang muling tiningnan ang sarili ko sa life-size na salamin sa guest room nila.

Paglabas ko nakita ko ang nakabusangos niyang mukha habang nakahalukipkip at nakaupo sa itaas na bahagi ng hagdanan.

"Ang tagal mo? Alam mo ba yon?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Kanina hindi ko alam. Pero ngayon alam ko na, sinabi mo sa akin e." nakangising sabi ko sa kanya saka siya hinawakan sa braso at hinila pababa.

Pinitik niya ako sa noo saka hinila din. Magkadatawa-tawa kami habang bumababa dahil makailang muntikang mahulog na din kami dahil sa sobrang kulitan habang bumababa.

"Alex! Dianne! Ano ba 'yan?! Mag-ingat nga ka'yo. Aba'y masasaktan kayo diyan sa pinaggagawa niyo!" mula sa kusina ay lumabas si Tita Mia, mama ni Dianne.

Napabungisngis nalang kami at magkahawak-kamay na pumunta ng kusina.

"Si papa, ma?" tanong ni Dianne habang kumakain ng tocino.

"Ayun, napaaga ng alis dahil may tumawag sa opisina nila," ani Tita Mia habang naglalagay ng sinangag sa plato nito." Aantayin nga sana ka'yo nun kaso ay baka mahuli siya at mukhang pinapadali pa naman siya."

"Ok lang ho...At least hindi kami magmamadali. Ang bagal pa naman nitong isa gumalaw," sabay sulyap sa akin na umiinom ng kape.

Natawa nalang kami sa sinabi niya saka pinagpatuloy ang kinakain.

"Saan ba ang punta niyo? At ang aga naman ng alis niyo?" tanong ni Tita kay Dianne na hawak ang cellphone at nagpipindot pindot doon. Nagliligpit na siya noon. Ako naman ay nagtotoothbrush.

"Makikipagdate kami Ma."

Sinulyapan ko siya. Hindi niya tiningnan si tita habang sumasagot. Sa halip, nangingiti ito habang may binabasa sa cellphone. Baliw!

Tumaas ang kilay ni Tita. "Date kamo, Dianne?"

"Yes,Ma." Nakangiti pa ring turan nito. Hindi mawala-wala ang tingin sa cellphone.

"At sino naman? Kilala ko ba?" Pinunasan nito ang mga kamay saka hinarap nang tuluyan ang anak.

"Actually Ma, blind date 'yon kaya kahit kami hindi namin kilala," nilapag nito ang cellphone sa mesa saka nagtootbrush na din.

"Ngayon ko lang nalaman na interesado ka na pala ngayon sa blind date, anak? Ganun ka na lang ba ka desperada para magkaboyfriend dahil walang nanliligaw sa'yo?" nakataas-kilay na naman nitong tanong.

Napahalakhak naman ako sa sinabing iyon ni tita. Tumingin sa akin nang masama si Dianne saka mabilis na tinapos ang pagsesepilyo.

"Ma, grabe ka sa akin! So hurt! Hu! Hu!" kunwaring iyak nito saka kinuha ang cp at nilagay sa loob ng bag.

"Totoo naman, anak. Aba at kung alam kong ganyan ka kadesperada e kami na lang ng papa mo ang maghahanap ng ipagkakasundo sa'yo," balewalang sabi nito. Natawa ako. Ganyan ka-cool ang parents niya na pati kagagahan niya ay alam. " Kaysa ganyan. Sigurado ka ba diyan? Maya-maya e mga siraulo pala yan. Alam mo namang maraming loko-loko ngayon."

"Ma, mga kilala po ito ni Ate Carla," tukoy nito sa pinsan na buo sa ina, na nagtratrabaho sa opisina ng isang malaking kumpanya ng shampoo, sabon at iba pang produkto. "Ka-opisina niya yong isa at yong isa naman ay kaibigan nung lalaki."

"Basta siguraduhin mo lang. Saan ba kayo magkikita? Hanggang kain lang ang pwede sa inyo. At wag tumagal sa tatlong oras ang pakikipag-usap."

"Wow, ma. OA mo," nangingiti pang sabi nito saka sinabayan ko siyang maglakad sa sala.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 14, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Undecided TitleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora