FL chapter 3

761 18 2
                                    

Umalis muna ako sa condo at pumunta sa malapit na mini mart. Di na ako nagpaalam kay Drillan dahil tulog siya. Bumili ako ng ice cream tsaka gamot niya. Habang nagbabayad ako sa counter tinignan ko kung anong oras na 2:30 na pala. Nang tapos ko ng mabayaran ang ice cream ay agad na akong bumalik sa condo.

Pagkapasok ko palang nakita ko  siyang nakaupo sa couch sa may sala.

"Saan ka nanggaling?"

"Diyan lang sa labas bumili lang ako ng gamot tsaka ice cream *smiles*"

Tumango lang si Drillan. Inilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa.

"Anong flavor?" - tanong niya sakin na titig na titig sa ice cream kulang nalang tumulo laway niya

"Rocky road at tsaka cookies and cream yung isa" Yung binili ko kasing ice cream parang maliit lang pero hindi yung pinakamaliit talaga. yung medium ba tawag nun? Ewan ko basta sinlaki lang ng baso yung sisidlan.

"Teka, akin na 'tong cookies and cream" - sabi niya

"Okay, pero pwede ka bang kumain kahit may lagnat ka?" tanong ko e, kanena kasi medyo nagdadalawang isip ako kung bibilhan ko ba siya o hindi dahil nga sa may lagnat siya .

Tumango lang siya . Nagkibit-balikat nalang ako. Pumunta muna ako saglit sa kusina para kumuha ng kutsara at nung nakabalik na ako sa sala agad ko yung binigay ang isa. Kinuha niya ang ice cream at kinain. Kinain ko na rin yung sakin.Walang nagsasalita sa aming dalawa dahil ang atensyon namin nasa sa ice cream. Habang kumakain ako nakatingin lang ako sa kanya. Tumunog bigla ang phone ko kaya kinuha ko nasa pouch ko. Nakatanggap na naman ako ng text galing kay Jb

===

From: Jb Ganda

Dear, nasa airport na ako and don't worry punta agad ako u condo para kunin si Papa Drillan. Magdadala ako food

Lovelots ;* ..

===

Naks! lakas maka deniece cornejo ng gaga!

===

To: Jb Ganda

Okay, bilisan mo para mabugbog ka na dito ;)

===

"Nga pala Drillan, Kukunin ka na ni jb mamaya para ihatid ka sa bahay mo" - sabi ko. Bigla naman syang napatigil sa pagkain at ibinaling ang atensyon niya sa akin

"Kaya ko namang umuwi"

"Mahina ka pa, kailangan mong umuwi kasi baka hinahanap ka na"

"Don't you want me here?" - biglang tanong niya

"Hi-hindi naman sa ganun pero ano--.."

"Dito nalang ako" -Drillan

"Hoy,hindi pwede."

"Bakit naman?"

"Baka pupunta si Mama dito, ayokong makita ka niya"

Dahilan ko. 50% baka magkatotoo. And another 50% baka hindi. Pero ang totoo niyan ayaw ko muna na nandito siya. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta ayoko munang makita ang mukha niya.Medyo naguguluhan din ako sa sarili ko. But for now, I need another time to think and to recompose myself.

"Ah, kaya pala. Sige, uuwi ako pero babalik ako dito ngayong gabi"

"Gabi? Bakit naman?"

"Dito ako matutulog ulit *smiles*" Tinitigan ko lang siya. Those smiles...

"Kapal ng mukha mo! Manligaw ka muna no!"-biglang sagot ko.

Drillan pouts. eww!Parang aso. hindi bagay kaya inisnab ko nalang siya.

"Panget mo!" -sigaw ko

"Kaya pala patay na patay ka sa'kin e!"

napatingin naman ako sa kanya.

"Anong sinabi mo?"

He suddenly grab my hips.Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya. Maybe he'll kiss me? I shake my head . Ano ba 'tong iniisip ko?

"Di ba gwapo?" - sabi niya. Itinulak ko siya papalayo sa'kin. mokong talaga

"Oo na gwapo ka na!"

Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa. Pumunta ako sa kusina para ilagay sa basura ang cup na kinainan ko. Nang matapon ko na 'yun. hinugasan ko naman 'yung kutsarang ginamit ko. I stiff when Drillan's hands are already on my waist. And his mouth on my Ears.

"Kaya kita mahal kasi madali ka lang mapikon." - he whispered

Nanayo naman ang balahibo ko sa sinabi niya.

Umikot ako para makita ko ang mukha niya. I met his gaze. I look straight to his eyes para bang naglalaban kami sa titigan contest. After 15 seconds, ipunokpok ko sa ulo niya ang kutsara na kanena ko pa hawak.

"I win!" - sabi ko. siya naman hinihilot ang ulo niya. I just smiled at him, yung ngiting nang-aasar! Inilagay ko sa lalagyan ang kutsara. Nang tumingin ulit ako sa kanya bigla niya kong hinalikan but it was a quick one.Saka nagtatakbo pabalik sa sala. Papatalo ba ako? Tumakbo din ako papunta sa kanya. Para kaming mga bata na nagtatakbuhan sa sala.

The next thing I knew is nakita kami ni Jb na nakahandusay sa sahig.

"OMG! Anong nangyayari dito!" - sigaw ni Jb. Napabangon naman kami sa pagkakahiga sa sahig. Actually kinikiliti niya 'ko nang makita kami ni Jb.

"Masyado naman ata kayong sweet? Bakit kayo na ba ULIT ?" - Jb
Namula naman ako sa sinabi niya.

"Iuwi mo na 'to! Dami pang tanong e!"- sabi ko sabay tayo.

Halong kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil kay Jb. Alam niyang may past kami ni Drillan pero hindi niya alam na siya ang dahilan sa nangyari sa'kin noon.

"Huh? talaga iuuwi ko na 'to? di ko na siya ibabalik dito ulit" -Jb na agad namang tumakbo kay Drillan at yumakap dito.

Si Drillan naman halatang natatakot sa ginawa ni Jb. E, ayaw niya sa mga beki. May experience kasi siya noong nasa college palang kami. Habang naglalakad siya sa daan bigla siyang nilapitan ng tatlong beki tsaka inalok siya ng one thousand pesos. Alam niyo na siguro kung anong nangyayari kasunod. Sinapak niya ito isa-isa sabay takbo.

"Jb, pwede huwag yumakap?"

"Bakit nagseselos ka?"

"Hindi,baka mawalan ng malay si Drillan. Tingnan mo o, namumutla" - sabi ko saka tumalikod sa kanila. Kukunin ko muna sa kwarto ang damit ni Drillan.

"AY! PALAKA!" - sigaw ko sabay sapo sa dibdib ko. Paglingon ko kasi biglang sumulpot si Drillan.

"Sa dami-daming pwede mong matawag sa'kin palaka pa talaga."

"Ayaw mo nun?" - sabi ko.

"Ito pala damit mo." -

"Thanks"

I smiled at him.

"Salamat din"

"Para saan?" - tanong niya.

"Alam mo na 'yun"

"Hoy,magmemake-love pa ba kayo diyan? Please lang huwag! Wala akong dalang popcorn." - sigaw ni Jb.

"Siraulo!" -sigaw ko.

----

Matapos kong maihatid si Jb at Drillan sa parking lot bumalik agad ako sa condo unit ko.

Sakto namang tumawag si Debbie.

Well, for now I'm very happy. 

sep.14.14

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon