WI 4: the meeting

87 3 3
                                    

For someone who'd PM me just to request an update dahil nagagandahan daw sya hehe...thank you again sa motivation... ♥

===#============#============#============#===

Kori:

"I'm home!!!" Sigaw ko pagpasok ko pa lang sa sala.

Balak ko sanang dumeretso sa kusina para alamin kung ano ang pwedeng meryenda since maaga pa dahil wala na kaming last subject. Kaso biglang may dumating.

"Dearsis!!"

Lumingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni marco jaden magtibay. Duhh! Ang magaling kong kuya sino pa ba??

"Ano nanaman?!" Tanong ko.

Well pasensya na ganito talaga kami mag'usap.

"Chillax na dearsis. May bisita tayo, este ikaw pala hahaha." Halos pabulong na nyang sinabi ang mga huling salita.

Nanlaki ang mata ko. Parang nahuhulaan ko na kasi ang ibig nyang sabihin.

"No!!! Ngayon na?! Agad-agad?!" Halos naisigaw ko.

"Sshh! Lakas ng volume ng boses mo, naka maximum ba yan?"

"Kainis ka talaga Anco!" Sabi ko sakanya sabay walk-out.

Nga pala Anco lang talaga tawag ko sa kanya kapag naiinis ako o trip ko haha!!

"Hoy hoy bae! Bumalik ka dito ah! Kukutusan kita kapag di ka bumalik." Narinig kong sabi nya pero alam kong di naman nya kayang gawin. Mahal ako nun eh haha!

"W L" yan lang ang sinagot ko gamit ang mga daliri ko. Meaning, "whatever loser."

At hindi ko na narinig ang sinabi nya dahil sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko.

Ayst! What to do what to do what to do?? Kailangan kong sundin yung damuho na yun!

Ibinagsak ko sa kama ang bag ko saka ako naupo at ginulo gulo ang buhok ko.

Aaargh! Nakakainis ka Anco!!

Ilang minuto rin akong tumunganga bago ko naisipang magpalit na ng damit.

White jogging pants na loose ang sinuot ko at tinernuhan ko ng black t-shirt na may white print sa harap.

Inayos ko ulit ang buhok ko at tapos na.

Wala akong balak magpaganda at magpacute para sa isang bisaya duhh!

Marco:

"Sigurado ka bang bababa yun pare? Nagttext na sakin si kelly eh." Tanong ni jules habang nakaupo lang kami sa sala at hinihintay ang mahal kong kapatid. Ilang minuto na rin kasi kaming nakaupo.

"Bababa yun sigurado! Huwag mo munang alalahanin si kelly, ako bahala dun." Sagot ko na may kasamang kindat.

Kelly is one of my friends na type na type ni Jules. Tinulungan ko sya na ligawan ito at ayun sila na ngayon.

"Hindi mo ako makukuha sa pakindat kindat mo ha!" 

"Tsk! Chillax ka lang kasi dyan! Nga pala, yung bisaya mong accent praktisin mo na."

"Langya ka pare trip trip ko lang yun bisaya accent ko na yun."

"Wapakels basta galingan mo kung ayaw mong mawalan ka ng kelly bwahaha!" Biro ko saka pa ako nag-evil smile.

"Infairness pare, bagay sayo kontrabida."

"Lul!"

Sasagot pa sana sya pero di nya naituloy dahil sabay kaming napalingon sa bumukas na pintuan ng kwarto ni edz.

WHAT IF....?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon