CHAPTER TWO

9.5K 211 8
                                    


MATAGAL nang gusto ni Krista na tikman ang kape sa Starbucks. Nang makita ang coffee shop na iyon ay dali-dali na siyang pumasok sa loob. Medyo natatagalan siya sa pag-order dahil hindi niya malaman kung alin ang masarap pero hindi sobrang mahal ang presyo.

Lihim siyang nangingiwi sa nakitang presyo. Pero dahil naroon na siya at nag-aantay na ang crew sa o-order-in  ay huminga na lamang siya nang malalim para bale-walain ang pagkalula sa presyo.

Habang matamang namimili sa mga nakasulat sa  menu board ay panay ang mahinang tampal-tampal ng isang daliri niya sa nakatikom na bibig. Mannerism niya iyon kapag nag-iisip. Ayaw naman niyang magtanong sa crew kung ano ang masarap dahil tiyak irerekomenda nito ang pinakamahal ang presyo.

Plano ni Krista tawagan sana si Vivi, ang naging kapalit niya sa dating  work na naging friend na rin. Malimit itong tumawag sa kanya para magtanong komo nasa adjustment period pa rin ito sa iniwan niyang trabaho. Sa mga oras na iyon ay gusto niyang tawagan ang kaibigan kung nasubukan na nito ang kape sa Starbucks. Ngunit nang mailabas ang cell phone ay nagbago na ang kanyang isip at naisip na huwag nang abalahin pa si Vivi. Tiyak kasing marami na itong ginagawa.

"Hmmm.... Ano nga ba ang masarap? " Hindi siya aware na napalakas pala ang sabi niya.

"Try mo ang mocha light frappuccino," anang boses sa kanyang likuran. "Miss, 'yon na ang order niya. Bilis, pakibigyan n'yo na siya n'on."

"Teka, sandali," pakli niya, sabay lingon. Tumambad sa kanya ang matangkad na lalaki na may kakatwang hitsura at pananamit. Hindi siya aware na nabistahan  niya ito mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ito ng puting V-shaped na T-shirt,  pink na  skinny jeans at sneakers na gray. Ilang hibla ng buhok ang nalaglag sa mukha ng lalaki. Alam na niyang nakatali ang buhok nito.

"Hay, wag ka nang mag-isip pa! Basta 'yon na ang order-in mo," may bahid ng iritasyon na sabi ng lalaki. "Baka abutin ka pa ng milenyo sa pagpili ng o-order-in mo."

Aba, kakaiba ang lalaking ito, ah! Kung makaasta ,parang magkakilala kami. "Eh, bakit ba marunong ka pa sa akin? Puwede, maghintay ka na lang," pagtataray niya. "Miss, hindi iyon ang order ko. Masyadong mahal 'yon."

"Ano ba'ng in-expect mong presyo ng kape rito? Tig-limang piso? Puwede ba, kung matatagalan ka pa, tumabi ka na muna."

Ramdam ni Krista ang pag-aalsahan ng kanyang mga balahibo sa  inis para sa lalaking antipatiko. Sukat tumabi raw muna siya. "Ano ka sinusuwerte? Ang yabang ha!  Akala mo kung  sino siyang hari..." bubulong-bulong na sabi niya .

  "Ah, eh, Ma'am, ano po bang order n'yo? Kung wala pa po, uunahin ko na po muna si Sir," magalang namang sabad ng crew.

"Ako ang unahin mo, Miss. Para saan pa ang pila kung hindi mo susundin?" katwiran ni Krista sa babae. Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng lalaki sa kanyang likuran.

"Sige, bigyan mo ako ng iced caffe latte at isang pumpkin bread." At para lang madagdagan ang inis ng lalaki sa  kanyang likuran,  binagalan niya ang pagbabayad. Kumbaga sa palabas,  slow motion ang kanyang ginawa. Sinadya pa talaga niyang barya ang ibigay sa kahera. Marami siyang barya sa coin purse kaya binilang niya isa-isa.

Narinig ni Krista ang marahas na paghinga ng lalaki. Walang dudang asar na asar ito.

Lihim siyang nagbubunyi.

"Miss, heto na.  Ako na ang magbabayad," sabi ng lalaki nang  inilapag sa counter ang buong isanlibo, sabay sabi ng order nito.

"Aba, Mister.  Hindi ko pinababayaran sa—"

MR. PUBLIC SERVANT (published under PHR) (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon