Reina's POV
"Reina, dalian mo. Tara na!"
"Excuse me po, sorry po."
"Paraan po."
"Salamat po."
Sabay naming tinakbo ng kaibigan kong si Korina ang mall papunta sa arcade at saka pumila sa linya ng cashier. Habang inaantay ang turn namin sa pila, napatingin kami sa isa't-isa 'tsaka napatawa sa aming kagagawan. Pareho kaming pawisan, pareho rin namin pinunasan ang pawis ng bawat isa gamit ang aming panyo.
"Ticket po para saan ang inyo?" Tanong ng kahera noong kami na ang nasa harap ng pila.
"Bumper car!" Sabay na sambit namin ni Korina.
Noong naibigay na sa amin ang ticket, dumiretso kami sa area ng mga bumper cars.
"Sana maikli lang ang pila ngayon," sabi ni Korina.
"Oo nga, eh. Grabe iyong kahapon, mahabang pila ang inabot natin."
"Anong kulay ng bumper car ang pipiliin mo ngayon?" Tanong ko kay Korina ng makita ko na ang bumper car area. Buti na lamang limang tao pa lamang ang naroroon.
"Iyong yellow, siguro. Ikaw?"
"The red one, of course." Excited na sagot ko rito.
"Oooh, of course. Bakit ko pa ba iyon natanong eh iyon naman talaga ang lagi mong pinipili kapag wala pa nakakakuha noon," makahulugan na sabi nito sa akin habang makahulugan akong tiningnan. Mayroon pa itong mapang-asar na ngiti sa labi. Naiiling na mahina kong tinusok ang tagiliran nito.
"Ano? Alam mo namang iyon ang mas kabisado kong galawin at saka mas mabilis din iyon." Nakita ko siya pakunwaring tumango. "What? Totoo nga."
"Oo nga, bakit ba?" Natatawang sabi nito. "Pero, yun nga lang ba? Hindi ba dahil sa iyon ang bumpcar na ginamit para turuan ka, especially by that person?" Sabi nito sabay nguso sa kabilang dulo kung saan may isang trabahante na tinutulungan ang isang bata na abutin ang gusto nitong laruan. Without realizing it, napangiti ako sa munting kabaitan na ipinakita nito.
Ako si Reina Alonzo, a junior high school student from a local school in our city. Nagsimula ang pagkawili ko sa bumper car rides noong minsan akong imbitahin ni Korina pero hindi ko magawang pag-ukulan ng pansin ang imbitasyon niya dahil sa iba't-ibang rason.
Noong una ko iyon sinubukan, medyo may pagka-ignorante pa ako to the point na.. simpleng pagswerve lang niyon to the opposite direction, hindi ko magawa ng maayos. Instead, dumiretso iyon sa edge corner ng area- and stuck. Noon saka lumapit ang trabahanteng naka-assign roon at saka ako tinulungan. Tinuruan din ako nito ng basics. The second time I tried, medyo nastuck din ako ulit. Linapitan ako muli nito and turned the bumpcar around. The third time? I can say, I'm pretty good already. I even saw him put a thumbs up sign in my direction. Tinawanan ko lamang iyon saka ginaya ang ginawa nito. Without even realizing it, parehong kulay pula pala ang ginamit ko na bumpcar those whole time.
Nang minsang mapagawi ang tingin ko sa nametag niya, napag-alaman kong Chris pala ang pangalan niya. Hindi kami lagi pumupunta roon ng kaibigan ko. Kung bibilangin, siguro sa isang week, maka-tatlong punta kami roon.
Hindi ko naman pag-uukulan ng pansin iyong tao kung hindi lamang dahil sa mga observations ni Korina, lalo na iyong mga small details. Gaya nalang ng..
"Ay, iba ang naka-assign ngayon sa bumpcar rides."
"Oh, si Kuya Attendant na naman ang assign sa rides."
"Rei, Chris ang pangalan ni Kuya Attendant."
"Pst, pansin mo? Tinitingnan ka kanina ni Chris during the rides. Napapangiti pa nga."
YOU ARE READING
Bumper Bliss
Teen FictionOne shot|| "Bump car ride, again?" "You bet, let's go!" A story about one teenage girl and her bumper experience with a boy in between. a.m.
