CHAPTER 30: THE NECKLACE

Zacznij od początku
                                    

Napapikit ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko na parang sasabog na.

"Paalam Neo, mahal na mahal namin kayo ni Hydria"

That's it! Kaya pala sobrang pamilyar ng pangalan niya dahil narinig ko na yon sa panaginip ko dati. Pero sino si Neo? May kinalaman ba sila sa nakaraang buhay ko? Bakit ba ngayon ko lang naalala, Kailangan kong makausap muli si Hydria dahil baka siya ang susi para malamn ko ang totoong nangyari sakin at kung bakit ako nandito sa Elysium.

Tatakbo na sana ako para habulin si Hydria ng biglang may tumawag sa akin.

"Argon!"

"Oh, ikaw pala Beryl, bakit ngayon ka lang umuwi? San ka ba nag punta" tanong ko kay Beryl.

"Hindi ka lang pala mang aagaw, pakielamera ka rin pala" she smirked

"Teka, A—Anong ibig mong sabihin Beryl?" sabi ko sa kanya at saka bahagya pang lumapit. May kakaiba sa kanya ngayon, parang may mali.

"Wag ka na ngang magkunwari, ang galing mong umarte bagay kang mag artista"

"Beryl, hindi ko alam yang mga sinasabi mo, tara na pumunta na tayo sa cottage gabi na" sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Pero agad niya itong tinabig palayo. At saka ako malakas na sinampal.

Hindi ko aakalain ang huli niyang ginawa. "Beryl, bakit mo ginawa yon? may nagawa ba akong mali?" sabi ko habang hawak hawak ang pisngi kong namumula na sa sakit.

Ngumiti lang ito sakin "Oo! Madami, Traydor ka Argon! Sinungaling ka! Mapagpanggap" sunod sunod na sigaw niya sakin.

"A—ano? Hind totoo yang sinasabi mo Beryl"

"So, hindi pala totoo tong mga to?" sabi niya sabay bigay sakin ng sobre. Agad ko naman itong binuksan para malaman kung anong laman nito.

Nanlaki ang mata ko sa gulat, litrato naming ito ni Xenon, noong nandon kami sa rooftop ito yung humingi siya sakin ng favor yung isang litrato ay yung hawak hawak ni Xenon yung kamay ko. Madami pang pictures na kinunan pero lahat ng yon ay pictures namin ni Xenon.

"Beryl, Oo totoo lahat ng ito, pero magkaibigan lang kami ni Xenon, maniwala ka"

"Sinungaling! Hindi kaibigan ang turing niya sayo! At alam mo yon matagal na, hindi mo lang sinasabi sakin kasi gusto mo siyang agawin, Pati na ang Sudent Council President, malandi ka Argon!"

"Tama na Beryl, totoo lahat ng sinasabi ko, Oo nag confessed siya sakin pero hindi ko tinanggap yon dahil alam kong masasaktan ka, Maniwala ka sakin please"

"Hindi totoo yang mga sinasabi mo, Tinuring kitang parang totoong kapatid pero anong igaganti mo sakin? Ito ba? Nagsinungaling ka parin sakin Argon, Wala kang kwentang kaibigan, Ang dapat sayo mawala na sa mundong ito"

"S—Sabihin mo, Saan mo nakuha to, Sino ang kumuha ng mga llitrato na to at nagsabi ng mga nalalaman mo"

"It's me, Argon"

Napatingin naman ako bigla sa bagong dating, Chlorie?

"ikaw ang nagsabi sa kanya ng mga kasinungalingan na 'yon Chlorie?"

"It's not a lie Argon, It is the truth! Hindi ka na ba nakuntento sa pangaagaw kay Krypton sakin, at pati ang pinsan ko aagawan mo din!" Sigaw sakin ni Chlorie.

"Pinsan? Mag pinsan kayo?"

"Yeah,She's my cousin. Sinabihan ko na siyang wag makipag kaibigan sayon but still hindi siya nakinig kaya ngayon nagsisisi siya" sabi ni Chlorie.

"Hindi ka na dapat nararapat sa mundong ito" sigaw ni Beryl.

Biglang lumabas ang mga lalaking nakaitim na maskara. Black Dragon Organization?

"Sige kunin n'yo na yan at patahimikin na ng pang habang buhay"

"Anong kinalaman mo sa Black dragon Organization? " sabi ko.

"Well, wala ka talagang kaalam alam sa mundong ito Argon. Total, mamamatay ka nalang din naman ay sasabihin ko na ang lahat. Ako ang espiya ng Black Dragon Organization, ako rin ang nagsabi sa kanila kung paano pumatay sa Elysium"

"A-Ano!, wala kang puso Chlorie, pati walang kaalam alam na studyante ng Elysium Academy dinamay mo, Pati utak ng pinsan mo nilason mo sa mga kasinungalingan ginawa mo! Wala ka talagang puso!" sigaw ko habang nagpupumiglas na makawala sa kamay ng mga Black Dragons.

"Hahahaha! Are you kidding me? Ako pa talaga ang walang puso ngayon! Mahal na mahal ko si Kypton, simula palang ng bata kami ay siya na ang kasama ko! pero noong dumating ka, ikaw nalang lagi ang nakikita niya, pero anong ginawa mo. Hindi mo manlang siya pinahalagahan, pinagmukha mo siyang tanga, kahit na sa huling hininga niya. Ikaw parin ang mahal niya! Ikaw parin ang paulit ulit na pinipili niya!" sigaw ni Chlorie. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na sumira sa puso niya.

"Dalin na yan, si Kin na ang bahala sa kanya, Humanda kayo, Hahahah! Dahil...Simula na ng madugong digmaan Hahahah! " sabi ni Chlorie habang parang baliw na tumatawa.

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas na bigay sakin ni Hydria, and then everything went black.

Elysium Academy (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz