Naglinis ako ng katawan at mabilis na tumalon papunta sa may sofa at namili ng mapapanuod na movie. Hirap akong matulog one of these days dahil sa hindi ko malamang dahilan. Naguumpisa na ang movie na napili ko ng marinig kong bumukas ang pintuan sa aming kwarto. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa tv para tingnan ang pagpasok ni Alec.

Hindi rin siya nagsalita pero alam kong nakatingin ito sa akin kanina bago pa siya pumasok sa bathroom at naligo. I hate him but at the same time I miss him too.

How ironic it could be that you love and hate one particular person. But still in the end of it, you will love them...you're still loving them despite of everything that they've done.

"What are you watching?" Tanong niya sa akin habang pinapatuyo nito ang kanyang buhok na medyo may kahabaan na gamit ang tuwalya.

"Cartoons" tamad na sagot ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng narinig ko ang pagngisi nito. "Cartoons ka diyan" natatawang sabi niya sa akin kaya naman inis ko siyang binato ng unan.

"Wag ka ngang bwiset!" Inis na sabi ko sa kanya pero hindi pa din siya tumigil.

"Kimi no nawa isn't a cartoons, Maria" natatawang sabi pa din niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

I don't know what happend to him dahil bigla bigla na lamang ako nitong kinausap. Tapos kung makaasta siya akala mo naman bati kaming dalawa.

"Umalis ka na nga dito, matulog ka na..." inis na utos ko sa kanya.

"Sasamahan kita, I won't go to work tomorrow" sabi niya sa akin kaya naman medyo nagulat pa ako.

"Hindi na baka makaistorbo pa ako sayo...no thanks" seryosong sabi ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig nito sa akin. "Do you want to have a vacation?" Tanong niya sa akin na lalo ko lamang ikinagulat. What happen to this man?

"What...why?" Hindi rin makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin sa akin. "I realize that...lately, napapabayaan na kita" sabi niya kaya naman halos parang gustong sumabog ng aking puso.

Gusto ko siyang sigawan na oo Alec your right! Pero napiwas na lamang din ako ng tingin sa kanya dahil baka maiyak pa ako sa harapan niya.

"Ikaw ang bahala" sabi ko na lamang sa kanya.

Hindi umalis si Alec sa bahay kinaumagahan pero hindi rin naman iyon nagtagal dahil nagkaroon ng emergency sa opisina. "I'll make it up to you...let's have dinner outside" nagmamadali ng sabi niya sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kanya, walang nararamdaman at wala ding pakialam. "Ikaw ang bahala" sabi ko na lamang sa kanya at hindi ko na hinintay na makaalis siya dahil kaagad na akong umakyat sa taas.

Hindi lang naman si alec ang may karapatang lumabas kung kailan niya gusto. I was not looking forward to the dinner, kung aasa lang ako ay madidisappoint lang ako pag hindi iyon na tuloy.

"Feeling ko may kasalanan!" Si Ivoree nang magkita kaming tatlo sa bagong bukas na pastry restaurant ni chatterley.

"Pssst! Ayan ka nanaman" sita ni Chatterley sa kanya pero inirapan lamang ito ni ivoree.

"He's cold, tapos biglang vacation daw? Natural guilty kaya bumabawi! What do you think Brenda?" Pagbaling ni Ivoree sa akin kaya naman nabato ako. What could it really be?

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanilang dalawa. "I don't know, naguguluhan na din ako" malumanay na kwento ko.

"Wala ka pa bang Wife's instinct?" Inosenteng tanobng ni Chatterley kaya naman tinawanan siya ni Ivoree.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Where stories live. Discover now