Prologue

29.4K 466 10
                                    

-

 PROLOGUE

   - Sabi nila, Isa sa pinaka Masarap na pakiramdam ay yung Mahalin ka ng Taong Mahal mo.

 Parang nasa Cloud9 ka daw,makakaramdam ka ng mga paru-paro sa tiyan mo. Konting dikit lang ng daliri niyo kumakalabog na ang Puso mo. Mag tama lang ang paningin niyo,sumasabog na ang nararamdaman mo.Sabi din nila, maraming babae ang gustong makaranas ng Lovelife tulad ng sa Fairytales..

"..and they lived happily ever after.. Oh my!! Gusto ko din makatagpo ng Prince Charming!!"

 napapailing nalang ako sa tuwing nakakarinig ako ng ganyan, Paano ba nila nasabi na Masaya na yung Katapusan kung hanggang dun lang yung kwento? Tsaka, Duhhh~ iisa lang ang lalaking kinababaliwan nila, si Prince Charming!

"..bakit kasi di mo subukan? Ang dami-daming lalaki ang nagkakagusto sa'yo! Magbabalak palang sila na ligawan ka eh bina-basted mo na! Matinde ka talaga!"  ang palaging sinasabi ng kaibigan ko..Ngiti nalang ang tanging nasasagot ko.

 Hindi naman sa ayaw ko na mag Boyfriend or what. Sadyang hindi palang talaga ako nagkakainteres sa ga ganung bagay. Lalo na't alam ko naman na sa huli ay Masasaktan lang din ako.

Saka, kung talagang oras na para magmahal ako, agad ko naman mararamdaman yun diba? Sa ngayon, i-Enjoy ko muna ang pagiging Free ko. Single kumbaga. Atleast, walang nagbabawal,walang sakit sa ulo at siyempre,walang sakit sa puso.

 Yeah.. I don't believe in Fairytales,But I do believe in happy endings..

***

 A/N: So, yeah.. ^_^ uumpisahan ko na po ito since natapos ko na po yung Sequel ng Gitara.

 Sana po ay masuportahan niyo ito.

PS: Pa-Click po nung External Link sa gilid po. Kagagawa ko lang nung Page ko. Hehe.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon