Gangster 42: [Sino Ka?]

Zacznij od początku
                                    

'Hoy gag* ka talaga Ara. Naiinggit ako sa mga ungas na to. Lahat sila may partner. Bumangon ka jan. Magbabati pa tayo. Baby please.'

Bulong ko sa isip ko.

"Ano bang nangyari talaga Ian?" Hinarap ko silang lahat at nagsimulang magkwento.

"Saklap." Wika ni Onyx matapos kong magkwento.

"So si Dale ang mafia reaper? Sakit lang nun para kay Ara." Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin nalang ulit kay Ara na nasa loob parin.

"Sinong nagdala sa kanya rito?" Nakalapit na pala sakin si Jero.

Napatigil ako.

Sino nga ba? At bakit wala siya ngayon? Magsasalita palang sana ako nung biglang bumukas ang pinto kaya humarap ako sa doctor.

"Family of the patient?"

"Boyfriend niya po ako doc." Sagot ko.

"Ah. Ikaw si Ian? Nasan na yung nagdala sa kanya rito?"

"Ewan ko po doc."

"Ako yung nakausap mo sa phone by the way. Stable na ang pasyente. May tama siya sa ulo pero hindi malala. Bebendahan nalang namin. May ilang sugat rin siya sa kamay." Napahinga ako ng maluwag.

"Dapat magpasalamat ka sa nagdala sa kanya rito. Marami rami rin ang dugong nawala sa kanya. Muntik siyang maubusan." Sino ba yung nagdala sa kanya rito? Pasasalamatan ko talaga.

"Natanong niyo ho ba pangalan niya? Lalaki ho ba o babae?" Tanong ko.

"Lalaki ho." Napakunot ang noo ko. Lalaki? Nahawakan ng ibang lalaki si Ara?

"Ano hong pangalan doc?" Tanong ko pa.

"Christian Kim. Yun ang pangalan na sinabi niya." Napakuyom ang kamao ko.

"Kaapelyedo mo? Sino yun Ian?" Tanong ni Ayen.

"Hindi ko kilala." Sagot ko nalang.

"Pinapasabi niya rin na siya na ang bahala sa nasirang gamit ni Miss Arceo. Excuse me lang po. May gagawin pa ako." Nagpaalam na samin ang doctor.

"Tawagan mo sila Tita Monica, Kaira." Utos ko kay Kaira.

Tumango naman siya at nagsimulang nagdial.

Napatingin ako sa watch ko. 3:00 palang ng hapon.

"Kayo muna bahala dito. May bibilhin lang ako." Paalam ko sa kanila.

Umalis muna ako ng hospital at umuwi sa bahay para kumuha ng damit.

Baka kasi kailanganin ko. Balak kong matulog sa hospital.

Inalis ko ang uniform ko at nagpalit muna ng damit.

Bago ako bumalik sa hospital ay dumaan muna ako sa isang bakeshop.

Bumili ako ng cake. Yung chocolate flavor dahil favorite yun ni Ara. Heartshaped. May toppings na Cherries.

Dumaan rin ako sa isang convenience store at bumili ng isang milk in can at pitong soda. Pati na rin apat na malalaking chichirya. Pamemeryendahin ko muna sina Jero. Mukhang nagcut class pa mga yun eh. Pati mga grade concious na sila Ayen, Clyde at Onyx.

Paglabas ko ng convenience store ay may nakasalubong ako.

"Ian." Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Ikaw daw nagdala kay Ara sa Hospital?" I asked.

"Ah yeah. Ako kasi yung nakasalubong niya. Iniwas niya yung car niya sa car ko at ayun, Bumangga sa puno. I think she is stressed out. Nagulat ako nung makitang siya yun, Umiiyak pa siya eh." Tinignan ko lang siya.

"Paulit ulit ka niyang tinatawag." He smirked.

"Stay away from her." I said.

"Tss." Nilagpasan niya nalang ako. Ako naman ay sumakay na sa kotse ko at nagdrive papuntang hospital.

**

"Kamusta na siya? Gising na ba?" Naabutan ko sila Jero at Onyx na nasa labas ng room ni Ara.

"Ian." Malungkot at mga mukha nila. Binigay ko muna sa kanila yung mga pinamili ko.

"Ian. Si Ara." Bigla akong kinabahan.

"Wala siyang maalala." Nalaglag ang balikat ko sa narinig. Dali dali kong binuksan ang pinto at naabutan ko silang lahat sa loob.

Yung mga babae nasa right side ni Ara. Sila Clyde at Andrex nasa sofa lang at mga malungkot ang mukha.

Binaba ko muna sa side table niya ang dala kong cake.

"Baby." Wika ko. Napadilat naman siya. Nagulat ako nung ngumiti siya sakin. Nawala lahat ng kaba ko. Pero gumuho ang mundo ko nung...

"Hello. Ahh.. Sino ka??" Nung sinabi niya yan.

Nalaglag ang panga ko.

Namutla ako.

"H-hindi mo ako maalala?" Nanghihina kong tanong.

Umiling iling lang siya.

Bakit ganun??

Bakit ang sakit??

Naramdaman ko nalang na nag-uunahan ng tumulo ang mga luha ko. Nilapitan ako ng tatlong babae at niyakap.

Nakatungo lang ako at ramdam ko ang pagtaas baba ng mga balikat nila.

Umiiyak din sila.

Umiiyak sila kasi naaawa sila sakin.

Hindi ako kilala ng taong mahal ko.

Sh*t!!

--------------------------------

Author: Amnesia. Haha. Cliché. Hahaha.

Vote and Comment.

~ace♥

The Gangster's Love: Great CircleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz