Naunang pumasok ang magulang ni Jade, bawal kasi ang sabay-sabay na bisita sa loob ng ICU. Sumunod si Julia at Kristin, pagkatapos ay si Brad. Huling pumasok si Luke at Lucille.

   "Jade, si Luke ito. Bilisan mo na ang pag galing para sumaya na tayong lahat uli," sabi ni Luke. "At saka naaawa na ako sa kumpare ko."

   Matapos ang one-sided conversations with Jade ay nag-paalam na si Luke.

   "Luke, mauna ka na sa labas. Kakausapin ko lang ang bestfriend ko ng masinsinan sandali."

     Oras na makalabas si Luke ay naupo ito sa tabi ni Jade at saka dahan-dahang hinagod ang kaliwang braso ng kaibigan.

   "Jade, akala ko pa naman ako lang ang madrama sa buhay, tinalo mo ako this time ha Tita. Supporting actress na lang ako tuloy," mapait na sabi ni Lucille.

   "Di ba sabi mo dati walang iwanan, di ba tumupad naman ako. Lumaban ako at nabuhay. Ngayon turn mo naman ipakita sa akin na hindi mo rin ako iiwan.  Kailangang lumaban ka sa bagyo ng buhay, huwag kang susuko, ipakita mo ang matapang na Jade na kilala ko, na hindi mo iiwanan ang baliwag mong mag-bestfriend. Mas higit pa sa kapatid ang turing  ko sa iyo, kung hindi lang ako in-love na in love sa asawa ko, iisipin ng mga tao tomboy ako dahil mahal na mahal kita bestfriend!   Alam mo naman ang istorya ng buhay ko di ba, inampon lang ako nila nanay noong baby ako dahil hindi sila magkaanak ng tatay ko. Naging mabait naman sila sa akin pero siyempre iba pa rin ang turing nila sa totoo nilang anak na si Lorena.   Mahal na mahal kita talaga kita, bestfriend. Walang halong bola iyan ha," naiiyak niyang sabi.

   Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Jade. Binuka ang bibig upang magsalita ngunit walang kataga ang lumabas dito.

   "Jade! Bestfriend, gising ka na!" naiiyak man ay pilit ngumiti ni Lucille para sa kaibigan.

   "Bahagyang ngumiti si Jade sa kaibigan.

   "Huwag kang magsalita baka mapagod ka. Hayaan mo na lang akong  dumadaldal mag-isa. Tutal sanay ka naman sa kadaldalan ko di ba?"

   Muling ngumiti si Jade kahit na hapong-hapo ang itsura.

   "Ayan, ngumiti na ang bestfriend ko. Inggit ako sa iyo, Tita. Kahit na may sakit ka ang ganda-ganda mo pa rin. Wala ka yatang bad-hair days. Inborn kasi ang kagandahan mo. Sige na, bilisan mo na ang pagpapagaling mo para makapag-chikahan na tayo ng bonggang bongga," gusto na ni Lucille maghumiyaw sa sama ng loob sa nangyari sa kaibigan pero pinilit niyang magpakatatag.

   "S-Salamat," mahinang anas ni Jade.

   Hindi na napigilan ni Lucille ang mga luha, kusa itong pumatak ng sunod-sunod.

   "Ayan, pinaiyak mo na naman ako. Hindi naman ako pareho mo na kahit namamaga na ang mata ay maganda pa rin. Bestfriend, pagaling ka kaagad ha. Nami-miss na kasi kita."

   Pumikit muli si Jade, halatang napagod kaagad.

   "I love you, bestfriend! Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, hinding-hindi kita iiwan sa laban na ito. Parati lang akong nandito para sa iyo, Jade." Hinalikan ni Lucille ang kaibigan sa noo at saka tuluyan ng lumabas ng silid. Mugto na ang mga mata niya nang makita siya ng asawa.

  Lumipas pa ang ang tatlong araw...

   "Lalong lumalala ang asawa ko, doc. Anong gagawin natin?" nag-aalalang sabi ni Andy sa cardiologist nang mag-rounds ito noong hapon na iyon.

   "Mr. Wu, I'm so sorry pero wala pa tayong donor hanggang ngayon," naaawang sagot nito.

   "There must be something we can do about my wife's condition," galit na sabi ni Andy. Napasuklay ito sa buhok.

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon