Chapter 1

9K 97 4
                                    

"Franchessca let's go na,"
Pagmamadali ni Ariane sa akin.

"Ang iksi naman kasi nito," Pag rereklamo ko sa skirt na pinahiram nito.

"Sakto nga lang e" giit pa nito.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. A red skirt with a black spaghetti strap, pinarisan rin ng tatlong inches heels na sandal.  Light make up lang ang inilagay ko sa mukha ko para kahit papanu hindi ako pagkamalang pokpok.

"Anong sakto sa 3 inches lang ang layo sa pwet ko?" Pagtataray ko pa.

Kung hindi ko lang kilala si Ariane baka isipin kong pokpok to e. Malapit na kaibigan ko si Ariane isa itong Tourist guide sa isang sikat na kompanya. Isang taon lang ang agwat namin pero kung kumirengking ito daig pa ang di kayang mabuhay pag walang disco.

"Tanggalin mo nga yang eyeglasses mo! " lumapit ito sa akin tinanggal ang eyeglasses ko. "Nakakakita kapa naman di ba? " tanong nito.

"Malamang may mata e," pabalibag kong sagot.

"Chee, " sabay hatak sa akin palabas ng bahay.

"Tara na girls!" Tawag nito kay Alicia at Bernadette.

"Baliw! E kayo lang hinihintay," Pambabara ni Bernadette.

Ngiti-ngiti naman kaming sumakay sa kotse ni Alicia.

"You look sexy France," Puri sa akin ni Alicia.

"Thank you."

"Show time! "

"Wooohhh!! " sigaw naming lahat sa kotse.

Pagpasok palang namin sa disco ang ibat-ibang ilaw at malakas na tugtugan ang sumalubong sa amin.

It's 10:00 o'clock in the evening na, almost 2 hours na kaming nagdidisco. Si Ariane todo sayaw sa crowd kasama si Alicia. Brocken hearted kasi si Alicia dahil may ibang babae daw ang boyfriend nito.

"Hindi ba kayo sasayaw?" Tanong ni Alcia ng makabalik sila sa mesa namin. Sabay tungga ng tequila.

Umiling kami ni Bernadette.
Pawis na pawis silang dalawa dahil sa kasasayaw.

"Parang nag celebrate kalang sa pagka brocken hearted mo ah," sabi ko sa kanya.

"Correction Franchessca it's because she's single," Then she rolled her eyes.

"Ang dami mong alam Ariane," Pinaikot ko rin ang eyeballs ko.

Kinuha ko ang kopitang nasa harap ko at ininom. "psst, baka nga ikaw ang may problema sa atin dito e," sabi ni Alicia. "Nakailang shot kana simula ng makarating tayo dito," Pasigaw na saad nito dahil sa lakas ng tugtugan.

"Sumasabay lang ako"

"At bakit sinuot mo ang eyeglasses mo?!" Sita na naman ni Ariane.

“Sinuot ko kasi ito kanena dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa dilim at isa pa di ko maaninag ang mga mukha ng mga tao dahil na rin sa layo.”

Kinuha ulit ni Ariane ang eyeglasses ko at binalik sa bag ko. "Hmp!" Pairap ko sa kanya.

Tumayo ulit si Alicia at gumiling sa harap namin.
"C'me on girls! Let's dance and enjoy!”giling pa nito.

Natawa nalang kami sa ginawa niya. Medyo hilo na siguro ako dahil sa ilang shot na ginawa ko.

"Halina tayo girls let's enjoy the night! "

Tumayo silang tatlo at ako ang naiwang nakaupo. "Kayo nalang girls, okay na ako rito," Sabi ko.

"Anu bayan? Ang kj mo naman? " pag reklamo na naman ni Ariane.

(Tyrone Delos Santos)I Own HerWhere stories live. Discover now