UNA: Ang laro

26 4 2
                                        

UNA: Ang laro

ANNA'S P.O.V.

Nagising ako mula patak ng tubig mula sa kisame. agad kong tiningnan ang buong silid na kinalalagyan ko.

"Nasan ako?" Sambit ko at agad na napapikit dahil sa parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.

Nung mapawi na ito, tumayo ako.

"Hoy! Nasan ako!" Sigaw ko pero para bang ako lang ang nakakarinig sa  kwarto. May apat na pader at cctv naman sa harap at likod sa dulong itaas ng pinto na magkabila rin. Mataas ang kisame kaya imposibleng maabot sa pamamagitan ng pagtalon. May parang maliit na rehas din ang mga cctv na parabang proteksyon sa pagbato. Sa gitna ng kisame ay may tv na parang parte na ng dingding na kailangan mo pang tumingala para makita mo.

Sinubukan kong buksan ang pinto pero para bang napaka-kapal nito at imposibleng magalaw.

"Araaaaaaaay!" Sigaw ko. Sumakit ang tainga ko sa pagkarinig ng tunog na parang nailapit mo ang mic sa speakers.

Huminto naman agad at may nagsalita.

"All contestants are in place. look up to see where are your fellow members."

hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagsasalita ng lalaki na may pagkamalalim ang boses pero agad akong tumingala.

"Kath? Lyka? Jarbo? Gale? teka ano to? "
Sabi ko at gulong gulo parin dahil hindi ko maalala ang huling pagkikita kita naming lahat.

Naulit ang tunog na parang pupunitin na ang eardrums ko sa sakit.

"Door one open. Head to the first checkpoint to know the rules of the game. Each of you has a role to fulfil."

Malakas na tunog ng mga bakal na nagkiskisan ang narinig ko, parang may makinang umandar.

Pagtingin ko sa likod ay nagbukas nga pala talaga ang pinto. Lumakad ako patungo dun at sumilip.

Isang diretsong malahallway sa kaliwa, makitid at hindi matatanaw ang dulo dahil liwanag lang ng kuwarto ang nagsisilbing ilaw.

Tumunog nanaman ang nakakainis na tunog ng speaker.

"Rush or else you'll lose." Saad nito na parang nang iinsulto.

Di na ako nagdalawang isip na tumakbo.

Narating ko naman ang dulo pero napasigaw ako nung may gumalabog kasabay ng pagkaapak ko sa isang tile na parang switch at bigla nalang sumara anghalway.

"Grabe! Papatay ba sila? pano pag nahagip ako nun?" Tanong ko at takot na takot na talaga ako.

Ibinaling ko na ang atensyon ko sa harap at may nakita akong isang sulat sa isang salamin.

Kulay pula yun at dahil may pagkamalabo ang mata ko. Nilapitan ko ito.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong sulat kamay ito gamit ang dugo.

Tumunog nanaman ang speaker pero parang nagagamay ko na ang sakit nito sa tainga kaya okay na kahit papano.

"Wag kayong mag alala. Pintura ang ginamit dito. Walang masamang mangyayari dahil pang palabas lamang ito. Ginawang nakakatakot ang bawat silid upang may thrill na panoorin ng lahat. Mag sisimula na ang game kaya ihanda nyo na ang inyong mga sarili."

G. O. D. - Game Of Death [Soon]Stories to obsess over. Discover now