Chapter 1

2 0 0
                                    

"Bakit ka nagwithdraw sa account mo ng ganito kalaki? Kita ko yung transactions mo oh! Sa ibang bank ka nag transact?" tanong ni Dani kay Del na paiyak na nagtatanong sa kanyang nobyo.

"May masama ba kung mag withdraw ako sa account ko? Saka may meeting pa ako with Dr. Lim. I have to go!"

"Wait! Kelan tayo magki---" sabay naputol ang line dahil binaba na ito ni Del.

Mag 1 month na sila hindi nagkikita at malakas ang kutob niya na nambababae ito. Bukod don, yung camera niyang SLR ay nakay Del din, yung laptop niya nasa nobyo din niya, at pati yung binigay ng lolo niyang pera na supposed to be ay ipang iikot sa negosyo ay unti unti nang winiwithdraw ni Del mula sa account niyang inopen mismo ni Dani para sa nobyo.

Lingid sa kanyang kaalaman ay naluha siya sa dami ng naglalaro sa utak niya. Buti na lamang at friday kaya may mga naiisip syang gawin upang sorpresahin ang nobyo sa opisina nito.

"Miss! Miss! Deposit...." sabay talikod ng valued client nila.

Pero tulala pa din si Dani mula sa kanyang pwesto na tila hindi narinig ang sinabi ng lalaki sa harap niya.

Maya maya pa'y natayo ang lalaki at tinanaw ang deposit slip na hindi man lang hinawakan ni Dani.

"Miss! Paki transact naman. Nagmamadali ako eh!" sabi ng lalaki na lumapit muli sa kanyang tellers cage.

"Ay! Boss... Sorry po. Wait lang po eto ita transact ko lang." sabay kuha sa deposit slip at pera para ma validate ito.

"Ten thousand for Javier?!" sabay binigay ni Dani sa lalaking singkit ang resibo na kanyang vinalidate. "Sorry po sir... Salamat po.."

Pero dire direcho ang lalaking ito sabay labas ng branch.

"Hayyyy..... Dani! Ano ba!?! Focus ka muna sa work! After working hrs na yang problema mo!" sambit ni Dani sa sarili.

Buti na lang every transaction, nakagawian na ni Dani na mag balanse para at the end of the day, balanse pa din siya at mapabilis ang close ng vault para exact 5:30pm ay out na silang lahat sa branch.

Pero pagka balanse niya at pag turn over ng cash sa kanyang superior ay nagpaalam na syang mag under time.

"Oh bakit ka mag a undertime?" tanong ng kanyang manager sa branch.

"Personal matter mam! Kailangan po talaga eh!" aniya.

"Since balanse naman cash mo, sige mag out kn sa timekeeping and you may go na!" sabay pasok ng cash sa vault ng kanyang boss.

Agad agad ay pumunta siya sa isang mall sa Mandaluyong upang bumili ng mga lobo, tatlong hallmark cards, at nagsulat habang hinihintay ang pina assemble na lobo para sa kanyang nobyo.

Pagdating niya sa opisina ni Del ay nasaktuhan niyang nasa office ito dahil nakita niya ang kotse nito sa parking area ng building. Nilapitan niya ang isang kakilalang kaibigan ng nobyo at itinuro si Del kung nasaan ito.

"Oh bakit ka andito?" tanong ni Del kay Dani.

"Bakit hindi ka nagrereply? Bakit hindi na tayo nagkikita? Bakit iniiwasan mo ko? Bakit nakita ko na may picture ka kasama nung Lovely na yun? Sabi mo nasa Quezon ka? Walang Good Shepherd ube jam sa Quezon dahil sa Baguio yun. At nakita ko sa account ng kapatid nung Lovely na may picture kayo sa Baguio which is ang paalam mo ay nasa Quezon ka ng 3 days."

Payukong sinabi ni Del kay Dani "Ayoko na... Hindi ko to gustong mangyari satin... May gusto na kong iba.. Sorry.."

Lumuhod pa ang dalaga kay Del "Sorry kung may nagawa man akong hindi maganda kaya ganyan sinasabi mo sakin ngayon..."

Nagulat si Del sa ginawa ni Dani at dali daling inawat ang dalaga sa ginagawa nito "No! You don't need to do that sa sarili mo... Wag na wag mong gagawin yan sa lalaki. Hindi mo dapat ibaba ang sarili mo ng ganyan. Tumayo ka diyan..."

Hinawakan ni Del si Dani pero panay pa din ang hagulgol ng dalaga.

"Maganda ka! Matalino! Ayusin mo yang sarili mo. Ituloy mo buhay mo juwakoi.... Diba yan ang tawagan naten? Weird diba? Kaw nakaisip niyan eh... Nasaktan na din kasi ako sa mga nangyari satin noon kaya siguro ako ganito ngayon. Promise hindi ko to ginusto, pero eto na eh... Ayokong lokohin ka... You deserve my honesty kaya sinasabi ko to sau..."

Pinahupa ni Del ang emosyon ni Dani hanggang sa tumigil nang umiyak ang dalaga at pinaalis na siya ng opisina nito dahil gumagabi na din.

Habang naglalakad sa edsa ang dalaga, nagmumuni muni si Dani sa mga kailangan niyang gawin mula sa mga oras na yon at sa mga susunod pang mga araw.

"Hindi mo na siya kasama ngayon.. Single ka na.. Pwede na! Pati yung treat kong airfare at hotel, ang sinabi pala niya sa babae niya, may seminar siya? Ang kapal!!!! Kaya pala pag gabi umaalis ng hotel kasi kausap niya yung babae? Hay nako Dani wake up!!! Tama na to! Okay??? Time to spoil yourself tonight!" yun ang mga nasabi ni Dani ng gabing mabibigat ang mga paa niyang lumalakad papunta sa mall.

Bumili siya ng mga dress kahit ndi siya nagde dress. Bumili siya ng kahit anong makita niya mawala lang yung lungkot na nararamdaman niya kahit konti.

Kuntento na ng ganun si Dani. Hindi siya pala gimik. Kung malungkot siya, gagawan niya ng paraan para humupa ito. Ni hindi niya nakuhang uminom ng gabing iyon. Binawasan niya ang laman ng Savings Account niya that night to treat herself.

Pagkauwing pagkauwi ay nahiga na siya sa kama at natulog na. Ni hindi na niya nakuhang magpalit ng damit. Ni ang isipin pa ang mga napag usapan nila ng kanyang EX Boyfriend ay ndi na niya naisip pa.

KarmaOnde histórias criam vida. Descubra agora