ROUND 2 ENTRY #2 - The Time Goes Fast

40 2 2
                                    

~Pauline Legardo

That time kung nasabi ko kagad yung salitang gusto niyang marinig saakin. Siguro hindi pa huli ang lahat.

 “Oi pauline! tunganga  ka nanaman diyan. Anu nanaman bayang kababalaghan na iniisip mo?” Tugon ni kris.

Siya nga pala ang aking matalik na kaibigan since nung kinder pa kami. Para kaming kambal na nakadikit  na hindi mapaghiwalay kapag hindi mo pa ito pipilitin na paghiwalayin.

“Huh? anu nanaman bayang pinag sasabi mong kababalaghan?” Wala naman akong naiisip na may sinasabi akong kababalaghan sakanya.

“Naku pauline bibigyan kita nang examples, Una sabi mo saakin bakit kaya hindi nag sasalita ang rabbit, Anu gusto mo mag salita? nakakatakot yun pauline, Pangalawa sabi mo, bakit kaya kapag nakakita ka nang taong tumalon sa building ang lungkot mo? commonsense pauline, syempre anu gusto mo tumawa ka habang nakikita mo yung tao na bumabagsak sa building? aba girl matinde yang tama mo.” Tumawa naman siya pagka tapos niyang ikwento ang aking kababalaghan.

I am shock.

“Tara na nga! mag lunch na tayo.” Tumungo na kami sa canteen para bumili nang aming kakainin. Collage na kasi kami kaya hindi na kami nag babaon nang lunch.

Bumili kami nang beef stake at nang kape. Kape kasi ang lagi naming iniinom, para pang pagising nang diwa.

Nag hahanap parin kami nang bakanteng upuan, hanggang sa may nabangga ako at tumilapon dito ang kape na nasa tray ko.

“WHAT THE FUCK!” Oh gosh. Mali ata natapunan nang kape ko.

Sa dami-dami nang taong matatapunan nang kape ko, eh yung popular boy pa nang campus na si roell roque.

Kung tutuusin ay gwapo, maputi, matangos ang ilong, may muscle at matangkad ito, you can call him perfect.

“WHAT THE HECK!” Sigaw niya naman na ikinabitaw ko nang tray ko sa gulat.

Lahat nang istudyante ay nag bubulungan na. Kami lang naman ang topic, at si kris naman ang layo saakin dahil nag hahanap pa nang bakanteng upuan.

“Pasensya na, hubarin mo nalang yang polo mo at lalabhan ko nalang.” Pakiusap na sabi ko dito.

“Lalabhan? HAHA! NO WAY!.” Nakakatakot siya kung mag salita, at ang talim nang boses niya pati ata tigre ay mapapaamo nito sa takot.

“Bro! wag kang pumatol sa babae.” Sabi nung lalake na nasa likod niya na kasing pogi rin nang nasaharapan ko.

“Gab! nakakahiya sa image ko ito, hindi ko mapapalagpas ito.” Napabuntong hininga naman si gab at tumango nalang kay roell.

“AND YOU!” Napatalon naman ako nang tawagin niya ako.

“B-bakit?” Tinaasan niya naman ako nang kilay na ikinadahilanan nang paglunok ko.

“What's your name?” Tanong nito.

Kumakabog na yung puso ko sa sobrang takot sakanya. Yung boses niya kasi ang talim.

“Pauline.” Sabi ko.

“Meet me at the garden 5 PM. You will be my slave for 1 month understand?” Lumunok muna ako bago tumango sakanya.

Nilagpasan niya naman ako, bago siya lumabas na nang canteen.

“PAULINE! NAKAKITA NA AKO NANG BAKANTENG UPUAN, AFTER A MILLION YEARS!” Napatingin naman ako kay kris na nakaupo na sa isang bakanteng upuan na katabi nang isang malaking bintana.

Tumungo naman ako doon at umupo narin katabi niya.

“Nasan na pagkain mo? don’t tell me nauna kapa saakin?” Tanong nito.

WAA Short Story Clash 2014Where stories live. Discover now