"Ano ba talagang nangyari sa anak ko Olivia. San mo siya nahanap?"

"Hindi ko po alam tita. Nakita lang namin siya sa gilid ng daan malapit sa sementeryo."

Napakunot ang kanyang noo.

Bakit nagsinungaling si Olivia? May kinalaman kaya si Rodrigo dito?

"Ang anak ko.. "

"Tama na po"

"Mama, umuwi po muna kayo. Ako na lang po magbabantay kay ate"

"Hindi.. Kayo na ang umuwi, ako ang magbabantay sa anak ko"

Iyon lang nakita niyang bumalik ang matanda sa loob habang ang iba sa mga kasama nito'y bumuntung hininga at dahan dahang umalis. Naiwang nakatayo sa harap ng pintuan si Olivia. Malungkot na nakasilip sa loob ng kwartong iyon.

Olivia.. Anong pumasok sa isip mo at nakipagkasundo ka sa halimaw na si Rodrigo?

Nanatili lamang siya sa kanyang pinagtataguan hanggang sa umalis si Olivia. Marami siyang nais itanong rito ngunit alam niyang hindi pa panahon. May dapat pa siyang alamin.

Lumabas siya sa kanyang kinatatayuan at akmang papasok sa loob. Kasehodang nandun ang ina ni Misty, papasok pa rin siya, malaman niya lang kung ano ang tunay na nangyayari.

Nasa harap na siya nang biglang may humataw sa kanyang batok at nagdilim ang lahat lahat sa kanya.

Imposible....

------------------------------------

Napasinghap siya ng malakas nang magising siya mula sa pagkakatulog. Nang nilibot niya ang tingin sa buong silid na iyon ay nalanghap niya ang kakaibang amoy. Ang pamilyar na amoy na iyon na hinding hindi niya malilimutan.

"Rodrigo?"

Lumapit ito sa kanya suot ang isang matamlay na ngiti. Kahit pareho silang halimaw ay hindi niya pa rin maalis ang katotohanang takot siya kay Rodrigo.

"Balak mo bang salungatin ang ating lahi Sabrina Salem?"

Huminga siya ng malalim ngunit hindi niya ito sinagot. Paano niya sasahihing ayaw na niya at gusto na niyang tumiwalag sa kanilang samahan? Paano? Hindi na kaya ng kanyang konsensiya ang nasasaksihan niya.

"Muntik mo nang ipahamak ang ating mga plano. Nais mo talagang wakasan na ang buhay ni Sayeh?'

Napahiyaw siya nang higpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang pisngi. Nararamdaman niya ang unti unting pagbaon ng mahahabang kuko nito. Alam niya... alam niyang kahit siya'y hindi sasantuhin ni Rodrigo. Halang na ang kaluluwa nito.

"Hindi ako papayag"

Kinikilabutan na siya sa paraan ng paghawak nito sa kanya. Tila ilang sandali lamang ay babaliin nito ang kanyang leeg. Nanginginig na ang kanyang kalamnan sa sobrang kaba, sa sobrang takot.

"Tama na yan Rodrigo.."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang boses na iyon.

Hindi maari.. ang boses na iyon... matagal na siyang... HINDI!

Marahas na umalis si Rodrigo sa kanyang harapan kaya malaya niyang makita ang halimaw na pilit niyang kinakalimutan...

"Kamusta.. Salem?"

Suot pa rin nito ang mahahaba nitong mga pangil na may matamis na ngiti. Ang ngiti ni kamatayan...

"Jacinta..."

SAYEHWhere stories live. Discover now