WRONG SEND AKO, SORRY (Oneshot)
***
Madami na akong nabasang one shots at stories dito sa wattpad about sa na-wrong send yung text nya na tungkol sa feeling nya sa crush nya tapos nakareceive nun, crush nya. Tapos aasarin and everything chuchu hanggang sa end, sila na.
Honestly, nakakabitter at nakakainggit sila. Sana ganoon din ako. Sana ma-wrong send ako sa taong mahal ko para malaman nya yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaso hindi ako tatanga-tanga para mangyari yun.
***
Nakikita ko na naman siya. Hawak hawak yung gitara n'ya tapos tinutugtog yung kantang 'Kahit maputi na ang buhok ko'. Sa totoo lang, t'wing naririnig ko yung kantang yan, s'ya naaalala ko. Ewan ko kung bakit.
Maya-maya, dumating si Danielle.
Ang babaeng gusto n'ya.
Hindi naman sya ganoon kaganda. Pero bakit halos lahat ng lalaking kilala ko sa school na 'to, crush sya?
Nakita ko yung ngiti nya. Yung ngiting dati ako lang yung nagmamay-ari. Yung ngiting sa akin lang n'ya binibigay dati. Atleast, alam kong masaya s'ya. Sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya, atleast nakuha n'yang magmahal ng iba. Kahit sobrang sakit ng ginawa ko.
Umalis na ako sa lugar na 'yon. Di ko na kaya. Ang tanga ko kasi eh. Bakit kasi narealize ko na mahal ko siya matapos ko syang pagtabuyan?
*plok*
Napatingin ako sa langit. Akala ko, tubig mula sa langit ang bumagsak. Sa mata ko pala.
***
Pagkauwi ko, agad kong binagsak ang gamit ko sa tabi at tumalon sa kama ko. Pagod na ako. Pagod na yung puso, utak at katawan ko. Bakit ba kasi ganun?
Dati, minu-minuto nya akong itetext ng kung ano-ano. Kung kamusta na ako. Na kumain na ako. At kung gaano nya ako kamahal. Tinatadtad nya ako ng 'I love you' noon. Madalas syang mag-gm ng kanta na dedicated sakin. Tadtad pa nga yun. May nagalit nga sa kanya eh. Sa sobrang tadtad daw, namatay yung cellphone nya.
Napangiti ako nung naalala ko yun. Hinanap ko yung cellphone ko at tinignan kung may text na galing sa kanya. Pero nabigo ako. WALA EH.
Kahit nagbreak na kami, at may boyfriend na akong iba noon, lagi nyang tinatanong kung kamusta na ba daw kami. Pero alam kong kinakamusta lang nya kami kung nagbreak na kami. Isang araw, Nagbreak na nga kami dahil sa kawalan ng communication. Sya ang unang nakaalam noon. Tuwang tuwa sya. Tinanong nga nya ako kung pwede na akong ligawan pero sabi ko, ayaw ko muna. Gusto kong i-enjoy ang pagiging single at free muna. Pumayag sya noon at sinabi nyang 'friends' lang muna kami.
Simula noon, di na nya ako tinigilan ulit. Lagi na nya akong tinetext. Nagiging transparent na ulit yung feelings nya sakin. Pero yung nararamdaman ko? Wala. Wala akong nararamdam na iba para sa kanya. Pero natutuwa ako sa mga ginagawa nya.
Lagi na nya akong sinasabihan ng 'Ang ganda mo talaga'. Simula noon, feeling ko, maganda nga ako. Siya ang nagsasabi eh.
Tulad kanina, may naramdaman akong basang umaagos pababa ng cheeks ko. Naaalala ko na naman ang lahat...
Hanggang sa isang araw, para nalang akong nagising sa katotohanan. Bakit ko sya pinapaasa? Yan ang tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba? Dahil sanay ka na? Sabi ko sa sarili ko. Sabi ko noon, bago ako magsimulang magsimbang gabi, kelangan, wala na akong pinapaasa. Kaya tinext ko sya. Gusto ko mang kausapin sya ng personal, ewan ko. Nagkakahiyaan pa din kami sa isa't isa. Sinabi ko sa kanya na wag nang umasa pa. Hindi ko sya deserve dahil napaka-perfect nya sakin. Hindi ako para sakanya.
BINABASA MO ANG
quick takes | one shot stories
Teen FictionA series of one shot stories which was written by my teenage self.
