Alam mo ba?

366 5 0
                                                  

Alam mo ba?
Alam mo ba na sa twing tayoy magkausap,
pakiramdam ko akoy nasa ulap?
Alam mo ba na dahil sayo,
pati sa pagtulog ay nakangiti ako?
Alam mo ba na halos tungkol sayo
ang lahat ng mga panaginip ko?
Alam mo ba na laging ikaw at ikaw lang ang iniisip ko?
Pero isang araw,
may nakita akong sobrang nagpasakit ng dibdib ko
ngunit nung tinanong kita?
ang ang sabi mo 'wala yun'
ako naman si TANGA
sayo'y naniwala
iyon ay binalewala
Alam mo bang nalilito na ako?
nalilito kung ano ang paniniwalaan ko,
ikaw ba o ang nakita ko?
utak ba o ang puso ko?
Alam mo bang
bulag ako sa pagmamahal ko sayo?
Na kahit may ebidensya na,
itoy binalewala ko
Alam mo bang hirap na hirap na ako?
Ang hirap dahil gusto ko na SANANG sumuko
pero isang lambing mo lang
nahuhulog na naman ako
Alam mo ba na nagnanais akong
ako ay saluin mo?
pero hindi mo magawa
dahil may nakahawak na sayo
Alam kong may mahal kang iba
na mahal ka din,
Alam mo bang nakita ko yun?
Alam mo bang hindi ko maipaliwanag ang sakit?
Ansakit lang dahil ansya mo,
ansaya mong kasama sya
ansya nyo sa piling ng isat isa
Pero eto ako, nakatanaw sa malayo
sobrang NAGDURUSA
Alam mo, PAASA ka
Pinaasa mo lang ako dahil alam mong
may gusto ako sayo
Pero eto parin ako
patuloy na nagmamahal sayo
kahit ang kakambal ng pagmamahal ay sakit
Hinihintay ko nalang ang araw,
kung kailan wala na akong mararamdaman
kung kelan magiging totoong masaya na ako
magiging masaya, pero hindi sa piling mo.

Spoken word poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon