“Is it all an act?" Pabulong nyang tanong. Gusto nyang makasigurado kung anong ibig sabihin ni Liam, ayaw nyang mag-aasume dahil ayaw nyang masaktan ng todo, sapat na yung sakit na naramdaman nya kanina nung sinabi nitong “I don’t….like you”

“Just trust me.” sagot sa kanya ni Liam nang nakangiti at nakalahad pa rin ang kamay sa kanya.

~Be the one, I know you’ll tell me everything; you are the one I cherish more than anything.

Kahit medyo naguguluhan at nanginginig ang kamay, tinaggap nya ang kamay ni Liam.

“I trust you.” mahinang sabi nya, kasabay ng paglalakad nila papunta sa stage ang palakpakan ng mga tao sa paligid nila at ang mga flash mula sa camera ang nagsilbing spot light nila habang magkahawak kamay na naglalakad.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Liam na para bang nanalo sya sa lotto nang hindi man lang tumataya. Habang hindi naman mawala ang kabog sa dibdib ni Lira na parang any moment magkakaroon sya ng instant heart attack.  Kung ano ano na din ang mga scenario na naisip nya at pinapractice sa utak nya ang mga gagawin nya. Hinahanda na nya ang sarili sa kung ano man ang pedeng mangyari.

~I love you more than you’ll ever know

I love you more than you’ll ever see

I love you more than my heart could ever show

I love you more than you’ll ever know

 

Nag-umpisa na silang magsayaw. Nagulat pa nga sya nung bigla syang hilahin papalapit ni Liam, kaya naman napayakap sya dito. Pasimple syang kumakawala sa pagkakayakap sa kanya ni Liam pero mas hinigpitan ni Liam ang pagyakap sa kanya. Lalo tuloy lumakas at bumilis ang kaba sa dibdib nya, habang mas lalong lumapad ang mga ngiti ni Liam.

“Relax.” ramdam nyang natatawa si Liam habang sinasabi yun.

“Paano ako magrerelax kung ang labo mong kausap? Pwede ba Liam kung pinaglalaruan mo lang yung feelings ko para sayo, itigil mo na dahil hindi ako natutuwa sayo. Kung gusto mo ng laruan ibibili kita ng Barbie doll bukas na bukas din kahit sampu pa, wag lang ako Liam. Malinaw na sakin yung sinabi mo kanina na hindi mo ako gusto kaya kung ginagawa mo lang ‘to dahil parte ito ng nasa terms and conditions natin sabihin mo lang para maintindihan ko, wag kang magbigay nang motibo para mas lalo kitang mahalin.”

Ibinuhos na nya lahat ng lakas ng loob na meron sya para lang sabihin lahat yun kay Liam. Lakas ng loob, yun lang kasi ang meron sya at nang dahil dun naging asawa nya si Liam dahil naglakas sya nang loob para yayain itong magpakasal. Gusto nya sanang matawa sa pag-alala nya nung panahong nagpropose sya ng kasal kay Liam, muka na syang desperado noon pero wala syang pakialam dahil gusto nyang sumaya ang Daddy nya pero ngayon, nagmumuka syang desperada para lang magustuhan ni Liam para sya naman ang sumaya.

~Think of me and you know I believe in you.

There’ll always be this precious time together.

In every tear, love so strong no words could ever say a love to last forever.

 

“Thank you………” sagot sa kanya ni Liam, tatanungin pa lang sana nya si Liam kung para saan na naman yung thank you nya kaya lang nagsalita ulit si Liam. Medyo lumayo si Liam sa pagkakayakap nilang dalawa para tignan sya sa mukha.

“Thank you for loving me that much, naiinis ka na sakin ngayon pero patuloy mo pa ding pinapaalala sakin na mahal mo ako.” nakangiting sabi ni Liam sa kanya. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa necktie na suot ni Liam.

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now