PREFACE

19 2 4
                                        



"MERZIA! MERZIA! MERZIA!",
damagundong ang buong arena sa sigaw ng mga tao nang lumabas na ako sa backstage. Tila slow motion ang dating ng lahat sa akin habang naglalakad patungo sa ring.

Titig na titig sa akin ang kalaban kong galing Madrid pa habang nilalagyan na ng mala-langis na likido ang mukha namin.

Tumitig ako sa audience nang makita ko ang mga hawag nilang tarpoline at posters ng pangalan ko't kalaban ko.

Hindi ko inaakalang gan'to pala ang pakiramdam nang maabot mo na ang inaasam mo ang pangarap mo,subalit,ano pa kaya ang kulang? O kaya naman... Sino pa ba ang kulang?

Napapikit ako habang kinukuyom-kuyom ko ang kamao ko nang maramdaman ko ang munting igik ng fingerless leather gloves ko. Napatanong ako sa sarili ko... Kailan kaya kami ulit magkikita?

"Handa ka na ba?",tanong ng coach ko

Tumango ako,at maangas na naglakad patungo sa loob ng caged ring.

Siya kaya? Handa na ba?

•| FIERCELY BEAUTIFUL |•Povești de care să fii obsedat. Descoperă acum