*Max's PoV*
Agh. Hayop talaga si Rex!! Lagyan ba naman ako ng tape sa buhok
*Flashback*
Sobrang himbing na ng tulog ko nang maramdaman ko na parang may gumagalaw sa buhok ko.. Hinayaan ko lang kasi baka yung kuto ko lang yun na gumagala sa buhok ko.. hehe joke! (^.^) Sakto naman na dumating na si Sir kaya gumising na ko. Parang shinga nga sila sir eh, parang natatae na ewan. Tsk.
Hanggang matapos yung klase ganoon parin itsura nila. Pumunta ako sa Cr kasi naman baka may natuyong laway lang ako sa mukha. Pero nung pagkatingin na pagkatingin ko sa salamin.. "REXINE!!!!!!!!!!!!!" lagyan ba naman ako ng napaka raming tape sa buhok!! Agh!! Ang hirap tanggalin! Lumabas na ako sa Cr para hanapin si Mico, ang hirap kasi tanggalin eh!!
Lakad..
Lakad..
Lakad..
Stop.
Naglalakad ako sa hall way nang makita ko si.. Francis.. kaya napatigil ako. Ang gwapo niya talaga! tatalikod na sana ako kaso bigla niya akong tinawag. Naman eh!
"Uy Max!!!" Tawag niya sakin habang tumatakbo papunta sakin. Ang ineeet!!
"Uy F-francis hehe" Inhale. Exhale. Kaya mo toh Max!!
"Long time no see ah. Onga pala, kaka-enroll ko lang kahapon at dito na ako mag-aaral." Ibig sabihin araw-araw ko na siyang makikita?! Ano kaya section niya? "Uhmm.. Anong nangyare sa buhok mo?" Nagtatakang tanong niya
"Ah.. eh.. Bagong uso! hehe.. Alam mo naman mga babae, m-mahilig magpauso ng kung ano-ano.. hehe" Nakalimutan kong may tape pala sa buhok ko. (T.T) Nakakahiya!! (TT.TT)
"Ah ganon ba? Nice. Sige alis na ako ha! May nag-aantay kasi sakin eh! Bye! See you!" Tsk. Si Aileen nanaman.
"Ah ganon ba? Sige, bye bye Francisssyyy" Masigla kong sabi kahit deep inside malungkot ako
"Wow. Tagal kong hindi narinig yung tawag mo sakin ah. Ge, Bye Maxiiii" Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at umalis..
Heto naman ako nakatingin sa kanya na naglalakad papalayo saakin.. ulit..
Masakit. Masakit tingnana ang taong mahal mo na naglalakad papalayo sayo at wala ka man lang magawa. Sawang sawa na ako sa ganyan. Tsk. Ikaw ba naman, iwan ng mahal mo? Mga mahal mo.
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha mula sa mata ko. Pinunasan ko yun at pumunta na kay Mico para magpatulong.
*End of Flashback*
"Haay!! Sawakas natapos na rin! Grabe, sabog itsura mo ngayon, sis" sabi ni Mico
Nandito kami sa classroom ko. Wala kasi mga teacher namin dahil sa isang meeting kaya heto. Iba iba kami ng ginagawa yung iba nag cutting class, yung iba tulog at yung iba nagkukulitan lang. Lalo na yung The R's, sobraaang kuliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit. Which is cute. Madalas kasi talaga sila mag-kulitan. Parang ibang iba yung ugali nila pag magkakasama sila.
"Salamat Mics ah! Wait nga, magsusuklay ako" Hinanap ko yung suklay ko sa bag ko nang hindi nakatingin. Wait.. bakit parang may something akong nahawan..
Ang rough..
May pagkaliit..
May part na matulis..
a-at MAY ANTENA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"IPISSS!!!!! KYAAAAAAAAAAAAH!!"napasigaw ako noong nilabas ko na yung nahawakan ko. Kaya napatingin saakin lahat.
ČTEŠ
Forever and Always
TeenfikceSabi ng iba walang forever (except kay God) oo nga naman dahil hindi naman tayo mabubuhay ng habang buhay diba? Hindi natin alam kung hanggang kelan tayo mabubuhay at kung hanggang kelan kayo ng nobyo mo. Pero para kela Max and Rex basta nakasama mo...
