CHAPTER 18

1.9K 38 0
                                    

Ann's POV

"Hey chicka, wake up..." Patuloy kong niyuyugyog si Van dahil tulog na tulog pa ito.

"Uhmm?" Kinusot-kusot naman nito ang mga mata niya.

"Andito na tayo. Gising na." Sambit ko pa at pumunta na sa back seat para kunin ang mga gamit namin. "Gamit mo." Inabot ko sakanya yung bag nya. Hindi na kami nagdala ng marami kasi dalawang gabi lang naman kami dito.

"Gurls!! Over here!" Napalingon naman kami sa taong tumawag samin at nakita namin si Megan na kumakaway sa front door ng hotel nila.

"Kumusta biyahe niyo?" Agad niyang tanong nang makalapit kami. "Kuya pakikuha na ang mga gamit nila at pakilagay na lang po sa room." Sabi niya doon sa dalawang butler at saka kinuha na nga ang mga dala namin.

"Okay naman, medyo pagod lang."

"Oh siya tara na at para makapagpahinga kayo. Kumain na rin pala muna kayo at maya na ang mga chika natin." Tuluyan na kamong pumasok ng hotel at dumirets sa elevator para umakyat sa 4th floor kung nasaan ang room.

"Wow." Usal ko nang makapasok kami sa kwarto. Ang ganda ng room na kinuha niya!

"You love purple?" Pinanliitan ng mata ni Van si Megan nang makaupo sa couch.

"Of course not! Para sayo talaga ito!" Natatawang ani ni Megan at nagpeace sign pa si gaga.

"Pag sa akin, wala!" Nagtatampo kunwari kong sabi kay Megan.

"Ito naman tampo agad! Huwag ka ngang oa dahil ganito talaga ang theme ng mga rooms dito!" Aniya kaya natawa naman ako at nahiga sa kama. Sobrang pagod ako dahil sa biyahe namin ni Van, lalo na ako lang nagdrive buong biyahe namin.

"Kain na muna tayo." Sabi ni Megan nang may pumasok na attendant na may dala-dalang mga pagkain. Napatayo naman ako agad dahil nagugutom na rin ako.

"Anong oras daw dadating sila tito, Megs?" Biglang tanong ni Van habang kumakain kami.

"Mamayang 4 pm pa." Tumango-tango naman si Van sa sagot ni Megan. "Pupunta din ba dito sila tita?" Dugtong pa ni Megan patukoy sa mga magulang namin ni Vanna.

"Baka pumunta sila mommy at daddy pero hindi ko lang sigurado kung anong oras kasi biglaan din ang announcement ." Sambit ni Van matapos niyang malunok ang kinakain na kanin na may ulam.

"Sila mommy din ata pero sinabihan ko naman na sila kanina pa."

"Sino-sino ba ang pupunta?"

"Relatives lang. Alam mo naman sila mommy." Tumango kami pareho ni Van. Ayaw kasi nila tito ng maraming tao o bisita kapag mga ganitong gathering.

Mahabang katahimikan naman ang namayani saming tatlo dahil nga abala sa pagkain nang maalala ko si Richo kaya naisip kong ipasok yung tungkol kay Richo.

"Anyway, I have something to tell you Megs." Napatingin naman sakin si Megan na parang shock na shock.

"D-on't tell me you're pregnant?"

"Walanghiya ka! Paano ako mabubuntis, eh kahit boyfriend nga wala!" Inis kong bwelta rito at inirapan.

"Kidding aside. Sige ano ba iyon?"

Inirapan ko na lang uli ito."S-i Richo."

"Richo? Our childhood friend. Your ex? The one who left you? The one who broke your heart?"


"Exactly!" Napairap naman ako kay Van sa pag-gatong nito. Ang sama talaga ng dalawang ito sakin! Talagang pinagdikdikan pa 'e no? Kaya minsan napapaisip ako kung talagang kaibigan ba talaga turing nitong dalawa sakin hmp!

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now