Kaagad namang lumabas sina Kib at bumalik nang hingal na hingal.

Inalalayan nila ako para umupo sa wheelchair at dinala sa kabilang kwarto.

Bumukas 'yon at nakita kong lalabas sana si Brent ngunit napaatras siya at inalalayan akong tumayo palapit sa kanyang kaibigan.

"Ricci..." sambit ko at tuluyang lumuha ulit.

"Mahal ko? Kamusta ka na?" nanghihina niyang tanong.

Umupo ako sa tabi ng higaan niya at hinawakan ang kamay niya.

"Mahal ko.. huwag ka nang umiyak, nalulungkot ang Rivero loko mo" dagdag pa niya.

Lumabas muna ang mga tao sa kwarto pati na rin ang pamilya ni Ricci.

"Mahal 'ko..." nanghihina niyang sambit.

Iniangat ko ang ulo ko sa kanya at tinitigan siya.

Tinaas niya ang kanang kamay niya at itinapat 'yon sa kaliwang braso niya.

"D-Dito... dito tumama 'yung bala.." dagdag niya.

"Masakit pa ba?" tanong ko.

"O-Oo eh, pero kailangang tiisin. Naalis na kaninang umaga pero sariwa pa rin ang sugat" sagot niya.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay.

"S-sorry... nadamay ka pa. S-sana.. hinayaan mo na lang akong mabaril, babe..." nauutal kong sambit.

Napangiti naman siya ng konti.

"Ang sarap namang pakinggan 'yan" saad niya.

Nginitian ko siya at hinawi ang buhok niya.

We don't need to explain our feelings right now. Pareho lang din naman kami ng nararamdaman.

Kung dati mahal 'ko, inalagaan mo ako.. ngayon, ako na ang mag-aalaga sa'yo.

"Pasensya na kung sinaktan ka ni Denice ng ilang beses. Nagkamali ako ng pinili, mahal ko" giit niya.

I faked a laugh.

"Kapag mahal mo ang tao, tanggap mo kung sino o ano pa siya" sagot ko.

Inabot ng kamay niya ang mukha ko.

Napapikit ako sa sakit kaya inalis niya rin kaagad 'yon.

"Ang ganda mo pa rin talaga, ano?" giit niya.

"Nambobola ka pa talaga? Eh pareho na nga tayong nasugatan" sagot ko.

Ngumiti naman siya sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang dibdib.

"Babe.. ikaw pa rin pala talaga" sambit niya.

Tinignan ko siya sa mga mata.

Tinignan ko kung nagsisinungaling siya.

ReboundWhere stories live. Discover now