Chapter 1

28 1 1
                                        

Malakas ang kutob ko na pumasok siya sa school ngayong araw.Pagnakikita ko siya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,parang gusto kong basta!!!!!

"Hoy!!!Lisa anong iniisip mo diyan??"tanong ni Anna
Naputol tuloy ang pagiisip ko tungkol dun sa forever kong KAAWAY.Oo KAAWAY ,ang walang hiyang yun Hindi na maalis sa isip ko!!!!
Tigilan na nga natin ang pagiisip dun sa lalaking yun,hindi pa pala ko nagpapakilala.
Ako nga pala si Lisa Andayog,18 na ako ngayon at grade 12 na,wala naman akong maisishare pa sainyo na iba pa,basta tandaan ninyo maganda ako.hahahahah..
Ngayong mga oras nato nandito kami ni Anna sa cafeteria para mag-agahan,well Hindi naman kami nakapag-agahan kasi nagmamadali kami nitong babaeng to,ang tagal gumising ehh parang laging puyat,iisa lang ang bahay namin kasi malayo ang paaralan namin sa totoong bahay namin,magkapitbahay lang kami ni Anna,kaya nagdecide kami na mag rent na lang nang bahay na malapit sa school..
"Lisa wala ka na naman sa wisyo mo!!!" galit na si Anna Hindi ko siya pinapansin ehh,papansin pa naman to.
"Bakit ba???" Tanong ko.
"Anong bakit ba??kanina pa ko nagsasalita dito tapos yan lang ang itatanong mo??"
"Anong gusto mong sabihin ko??"
"Ewan ko nga sayo!!!"
"Tumigil ka na nga sa kakasalita mo maingay na nga dito sa loob sumasabay ka pa."
Bigla na lang tumahimik sa loob ng cafeteria pero ng tumingin ako at Anna nakatulala na siya..
"Hoy anong nangyari sayo??" Tanong ko kay anna,nakatingin siya sa likod ko ehh nakatalikodpa naman ako sa pinto nitong cafeteria,kaya hindi ko kita kung sino man ang tinitingnan nila,pagharap ko sa pinto ang walang iba kundi si Lendall Alvarez,mayaman yan pero ang sagwa ng pangalan niya,,yuck!!!hearthrob daw ng school,pero ang pangit naman,ano kayang nakita ng mga babae diyan,cold hearted naman.
"Nandito pala si Lisa bro"tinuro pa ko ni jake ,magkakaibigan silang tatlo ni lendall at Michael.tumingin naman sa akin si lendall,nagkatagpo ang mga Mata naming dalawa,tumalim bigla ang mga Mata ko pero siya parang natuwa pa..nakakainis talaga siya,urghh!!walang hiya talagang lalaki to!!!
" Umalis na nga tayo Anna merong pumasok na pangit dito sa loob ng cafeteria."sabi ko
Hinila ko na si Anna paalis sa cafeteria,dahil may nararamdaman na naman akong kakaiba sa sobrang galit.

EverythingWhere stories live. Discover now