"What about him?"

"Mahal ko pa rin siya..." Napayakap naman siya sakin na ngayon ay humihikbi na. Kaya siguro hanggang ngayon gising pa ito. Sobrang emotional kasi nito pagdating kay Richo.

"O anong connection ng masama ka sa pagmamahal mo kay Richo?"

"K-asi.. He just came back from Canada.." Humihikbi niyang sabi. "A-t gusto nya raw makipagkita after how many years? May gana pa syang makipagkita na parang walang nangyari?!" I sighed. Richo was Ann's ex, her childhood ex. Kababata namin siya actually pero iniwan niya kami nung 13 years old pa lang kami. Wala man lang paalam samin basta na lang niya kaming umalis. Nalaman nalang namin after 2 years na nasa Canada na pala siya kasama ang mommy nito.

"Edi makipagkita ka. Wala namang mawawala sayo." Suhestiyon ko.

"Hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita na kami."

"Ann, hindi mo malalaman ang kasagutan sa mga tanong mo kung hindi mo haharapin ang sagot."

"Ang laki kaya ng kasalanan niya sakin! Satin!"

"Kung sa akin lang din naman wala ng issue iyon. Matagal ng tapos iyon, wala naman ng kaso sakin."

"Huhuhu. Why are you so very mabait ba? Psh. Wala ka man lang bang hinanakit sakanya? Kahit konti?" Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ang mga luha niya. "Wala. Mas pinili ko siyang intindihin kasi baka naman may malalim siyang rason."

"Whatever." She pouted her lips.

"Makipagkita ka na. Bahala ka ikaw din baka magsisi ka." Pangongonsyensya ko pa sakanya. "Teka kelan niya ba balak makipagkita?"

"Ngayon na. Kaso nga lang hindi pa ako ready."

"Paano mo nga pala na-confirm na andito na siya sa Pilipinas?"

"Duh! Nakavideo call ko lang naman siya kanina gamit ang line ng ate niya! Hindi kasi nakablock sakin ang ate niya! Siya lang talaga ang blinock ko!"

Nasapo ko naman yung noo niya.  "Walanghiya ka, Ann! Nakapag-usap naman na pala kayo so ano pa ang dinadrama mo sakin ngayon?" Inirapan ko ito.

Bigla naman itong natawa. "Hindi kasi naging maayos yung usapan namin kanina."

"Whatever. Basta magready ka na mamaya. Aayusan na lang kita." Presinta ko.

"Ayoko! Next time na lang. Wag ngayon kasi hindi ko pa talaga kayang humarap sakanya!"

"Whatever. Bahala ka na." Sambit ko rito ay nagtaklob na lang ako ng kumot.

"Good morninght!" Sabi ko sakanya sa ilalim ng kumot at ipinikit na ang mga mata dahil naramdaman ko na bigla ang antok.

------------------

"Van... Wake up.." Naalimpungatan ako dahil sa taong yumuyogyog sakin.

"Uhm?" Inaantok ko pang sagot. Si Ann lang pala.

"Gising na, aalis tayo."

"Saan tayo pupunta? Inaantok pa ako."

"Bangon na. Pupunta tayong resort nila Megan. Tumawag siya sakin kanina lang."

Napaupo naman ako sa kama.

"Ano daw sabi? Bakit biglaan naman?"

"Pumunta daw tayo ngayon sa resort nila."

"Bakit raw?"

"Ewan ko eh. May party daw. Welcome party."

"Welcome party? Para kanino naman?"

"Para kela tita at tita. Kaya mag-ayos ka na riyan ha. Uuwi lang din muna para mag-aayos at babalik ako dito."

"Ang biglaan naman. Pero sige, mag-aasikaso na rin ako." Tumayo naman na ako.


"Bilisan mo ha. They are expecting us there."Pahabol niya pa bago tuluyang lumabas ng guest room.

Pumunta naman na akong kwarto para doon maligo at mag-ayos kahit antok na antok pa ako.

Anong oras pa lang ba? Binuksan ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na. Alas otso pa lang pala ng umaga. Napasimangot naman ako nang makitang walang message galing sa Shitty na iyon! Tss! Wala man lang follow up messages matapos nung last message na nareceive ko! Napairap na lang ako dahil ayoko mag-assume! Teka, bakit ba ako naiinis 'e wala naman akong pakialam kung magmessage siya o hindi?! Bakit ko pa ba nga pinoproblema iyon?!

Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ko!

Matapos ang isang oras ay nakita kong prenteng nakaupo na si Ann sa sofa sa sala pagkababa ko ng hagdan.

"Let's go." Naagaw ko naman ang atensyon niya kaya tumayo na ito at naunang lumabas.

"Kotse mo na lang gamitin natin. Wala naman ata masyadong check-point ngayon." Sabi niya sa akin.

"Basta ikaw magdrive." Sambit ko rito at ibinigay ang susi ng sasakyan.

"Oo na. Tamad ka talaga." Natawa na lang ako. Inaantok pa rin kasi ako at gusto kong matulog. Bahala na sya magdrive dahil alam niya naman kung saan ang resort nila Megan.

Sinalpak ko naman sa tenga ang headset ko at pinatugtog yung kantang Bubbly ng Colbie Caillat.

"Idlip lang ako." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya at tuluyan nang ipinikit na lang ang mga mata.

Encounter [COMPLETED]Where stories live. Discover now