Chapter 20: To Arms!

Start from the beginning
                                    

"Bukod sa paminsan-minsang pananakit ng katawan, I feel fine," sabi ni Andy. "Sa edad kong ito, na ilang taon na lang senior citizen na ako eh hindi pa ako nagkakasakit ng malubha."

Ayon sa P.I., naroong nasugatan na siya o nabalian ng buto sa serbisyo noong siya'y pulis pa, pero wala siyang matandaan na nagkaroon siya ng malubhang karamdaman. Ayon sa kanyang medical, malinis pa ang kanyang baga bagama't malakas siyang manigarilyo, healthy ang kanyang atay bagama't malakas siyang uminom, hindi siya high-blood at 20-20 ang kanyang vision.

"Itong alien blood, it's prolonging your life," punto ni Marge. "Pinapahaba ang buhay mo. Malay mo, umabot ka ng 100."

Napangiti na lang si Andy. Wala siyang balak tumanda ng ganoon. Sa katunayan, hindi ang sarili ang talagang concern niya.

"Ang inaalala ko ay si Pauline," ani ng private investigator.

"How is your daughter pala? At kumusta rin si Carol?" tanong ni Marge.

"Malaki na si Troy, 'yung panganay nila ni George," ani ni Andy ukol sa kanyang ex-wife. "Mukhang happy naman sila."

Natahimik sila nang bahagya. Na-sense ni Marge ang hint ng regret sa boses ng kausap.

"I'm sure Pauline will be fine," pag-break niya sa silence. "Kung okay ang health mo, sigurado ako na ganoon din si Pauline."

Tumango si Andy. "'Yun din sabi ni Greg."

"In that case, you have nothing to worry about," ngiti ni Marge.

Maya-maya'y sumilip sa loob ng Mess Hall si Roberta.

"Mom, kanina pa kayo tinatawagan ng office," sabi ng reporter.

"I turned off my phone," sabi ni Marge sa anak. "Ako na bahala. I'll call them back."

"O...okay," tango ni Roberta, na saglit pang pinagmasdan ang kanyang ina at si Andy bago siya umalis.

"Manang-mana sa iyo," ngiti ni Andy.

"I know," ngiti ni Marge.

May ilang mga opisyal ang nagpasukan sa loob ng Mess Hall. Nagpipigil si Andy na ikuwento kay Marge ang tungkol sa kanyang mga panaginip, ang mga plano na umiikot sa kanyang isipan, nguni't isinarili na lamang niya'ng mga iyon. Isang oras pa silang nag-usap, bago sila bumalik muli sa War Room.

(II)

Isa sa pinakaimportanteng nalaman nila ukol sa mga UFOs o flying saucers ay ang kakaibang kakayahan ng mga ito. Kung paano nila nagagawang ma-apektuhan ang elekstrisidad, tulad ng mga poste ng ilaw, electronic gadgets, at makina ng mga sasakyan. Na ito rin malamang ang device na kanilang ginamit para hatakin pabalik ang Revo, at tangayin si Corporal Diazon. Ang mahalagang tanong ayon kay Colonel Laxamana, ay kung ito ba'y isang weapon?

"Malaki ang possibility, sir," sabi ng isang scientist. "Na ito nga ang main weapon nila."

Pinulong ng colonel ang mga eksperto sa task force para lahat sila'y magbigay ng kanilang mga obserbasyon: mga engineers mula sa military, mga scientists mula sa iba't-ibang sangay ng gobyerno, at mga analysts ng National Security at NBI. Lahat ay may say. Isang open forum kung saan kasama rin sina Andy, Jang-Mi, Marge at ang team niya, all acting in strict confidentiality.

"'Yung beam of light na humugot kay Corporal Diazon mula sa lupa," patuloy naman ng isa pang scientist. "Malamang na ang pinag-uusapan natin ay isang tractor beam, na siya ring nag-abduct sa mga mamamayan ng Callejon..."

Ang mga nagiingay sa forum ay walang iba kundi ang mga scientists, at iyong mga tinaguriang UFO hunters. Silang maraming mga theories ukol sa paksa.

"Tractor beam?" pagdikit-kilay ni Laxamana.

"Yes, sir," confirm ng scientist na nag-suggest nito. "Kung pamilyar kayo sa Star Wars o Star Trek, ito 'yung beam na ginagamit ng isang spaceship para i-capture ang isa pang spaceship..."

"Star Wars?" tingin ni Marge. "You mean, science fiction?"

Tumango ang scientist. "It usually starts as science fiction, ma'm."

"Okay, so ano exactly itong tractor beam?" tanong pa ng editor-in-chief.

Patuloy ng scientist, "Ang essence ng tractor beam ay minamanipulate nito ang light particles para kontrolin ang isang bagay, either i-push or i-pull, in that sense, nagfu-function din itong weapon..."

"Na wala tayong pangontra," pag-interrupt ni Laxamana. "Paano natin made-defend ang mga sarili natin sakaling lusubin tayo ng mga hinayupak na aliens na ito? Baka nga walang bisa mga baril natin eh."

"Pinaputukan namin pero walang epekto ang bala," dagdag ni Esguerra.

"Maaring may force shield sila or bullet-proof ang metal alloy nila," sabi ng isang scientist.

"So, you're saying na if sasalakayin pala tayo ng UFOs ngayon, wala tayong laban?" sabi ni Marge. "Then, we are essentially doomed!"

"Doomed," takot na ulit ni Jang-Mi.

Napansin ni Colonel Laxamana na tahimik lang si Andy.

"Andy, pare, anong iniisip mo?"

Napatingin ang lahat sa private investigator pagka't alam din ng lahat ang role niya sa nangyayari. Bumuwelo si Andy, bago sinabi:

"Alam naman natin na ako ang hinahanap ng mga aliens. Habang nandidito ako, nasa panganib kayong lahat. Ngayong alam na ng mga aliens na buhay ako, hindi sila titigil hangga't 'di nila ako nakukuha. Alam ni Corporal Diazon ito kaya sinakripisyo niya'ng buhay niya. Hangga't nandidito ako, ilang tulad pa ni Diazon ang madadamay?"

"What are you suggesting, Andy?" nagtatakang tanong ni Marge. "Anong binabalak mo?"

"H...hindi ko alam..." sabi ni Andy. "Ang alam ko lang ay kailangan kong umalis dito."

Nagkatinginan ang lahat. May bulong-bulungan. Hinarap ni Laxamana si Andy.

"Pare, kung sa tingin mo eh basta ka na lang namin hahayaan na makipagsapalaran on your own, eh nagkakamali ka," aniya.

"Sir, miyembro ka ng task force na ito," sabi naman ni Esguerra. "We protect our own. We leave no man behind."

"Sama-sama tayo dito, sir!" sigaw ni Agent Perez mula sa pangkat ng mga NBI.

"Sama-sama! Walang iwanan!" sigaw pa ng marami.

"At your service! Across the land!" sigaw ng mga sundalo.

Hinawakan ni Jang-Mi si Andy sa braso.

"Andy, we help each other," tugon niya. "We fight together."

Agree ang lahat.

Hinawakan ni Laxamana si Andy sa balikat.

"Pare, kung ihahain ka naming sa kalaban, e 'di parang pinabayaan na din namin ang limang daang taong na-abduct. Kung ganon, para saan pa ang ginagawa natin?"

Naintindihan ni Andy ang sinasabi nila. Kung iaabandona niya ang kanyang tungkulin ay pagbabalewala iyon sa sakripisyo ng lahat, lalo na ni Corporal Diazon. Kita niya sa mga mata ng lahat ang sinseridad na sama-sama sila anuman ang mangyari. Tumango si Andy at nginitian sila ng pasasalamat.

At sa mga sumunod na oras, sa utos ni Colonel Laxamana, ay naging abala ang lahat sa pag-fortify ng headquarters.

NEXT CHAPTER: "Battle Stations!"

Ang Bayang NaglahoWhere stories live. Discover now