Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)

Start from the beginning
                                    

Napatango na lang ako habang pinapanood ko ang pagbukadkad ng kanyang mapuputing pakpak.

Kaibang-kaiba sa’kin.

Dahan-dahan siyang umangat sa kinatatayuan pero bago pa siya makaalis ay may hinabilin siya sa’kin.

"Pakiusap, bantayan mo muna si Erin."

Si Erin.

Siya ang mortal na binabantayan ni Haniel.

Napatingin ako sa kanya. Tulad ng dati’y kasalukuyan na naman siyang nakaupo sa damuhan at tahimik na gumuguhit sa kanyang canvas.

Total hindi rin niya naman ako nakikita. Tinabihan ko siya at sinilip ang kanyang iginuguhit.

Larawan na naman ng isang anghel na may kulay abong pakpak.

Napatingin ako sa mukha niya. Pansin ko sa mga mata niya ang tuwa’t pag-asa.

Hanggang ngayon, hindi pa rin pala niya nakakalimutan.

"Hoy, Erinita Impaktita! Pumunta na tayo sa canteen. Tomgee na me so lezgo, sago!"

Sabay kaming napalingon ni Erin sa pinanggagalingan ng matinis na boses.

 

“Sandali na lang, Romeo! Binubura ko pa yung mga dumi. sagot niya habang hinihipan ang canvas.

“Sissybells! It’s Meo nga! Tanggalin mo na ang ‘Ro’ kung ayaw mong ipangmop ko yang buhok mo sa buong Campus. Impaktita ka!

Napatawa si Erin sa tabi ko sa pagtataray ng kaibigan niya.

Minsan, hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. Kainis-inis ang ugali ng kaibigan niya ngunit hindi naman siya nagagalit.

Nagsimulang magligpit si Erin ng kanyang mga kagamitan nang biglang hinablot ni Romeo ang canvas.

“Again?!

Napaatras ako sa biglaang pagsigaw nito. Kahit kalian, ang ingay talaga niya.

“Friend, pa-rehab ka na please!? Adik na adik ka na sa mga taong may pakpak!may panunuyang suhestiyon nito.

WP New Stories' One-Shot Story ContestWhere stories live. Discover now