Pair 3: Romance + Paranormal (Weird)

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka pa din nagbabago, natatakot ka pa din sa akin." Nagtatampong sabi nito. Namatay ito sa isang car accident at natusok ang isang mata nito kaya ganun ang itsura niya. Unlike 'Aida', kinakausap ako ni 'Doc'.

"Bakit kasi tuwing magpapakita kayo sa akin, yung nakakatakot na itsura niyo ang nakikita ko?" Tanong ko.

"'Yun ang hindi ko alam." Sagot niya naman.

"Ahm, sinong kinakausap mo?"

Nagulat ako ng may lalaking pumasok sa loob ng clinic. Siya 'yung lalaking muntikan nang malaglagan ng mga box kanina.

"Ahm.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka kasi 'pag sinabi kong multo ang kausap ko, bigla siyang matakot at magtatatakbo.

"Nevermind." Lumapit ito sa akin sa umupo sa monoblock chair. Katabi nito si 'Doc' na nakangiti lang.

"Are you okay? Hindi na ba masakit ang sugat mo?" Sabi niya at hinaplos-haplos ang noo ko. Hindi ako nakapagsalita dahil first time kong may humawak sa akin.

"Uy, Namumula ang pisngi niya." Pang-aasar ni 'Doc'.

Tinabig ko ang kamay niya. "Okay lang ako." Saka ko hinawakan ang noo ko. May band-aid.

"Mabuti naman kung ganun. Pero nakakapagtaka kasi galos lang ang nakuha mo, ang bibigat pa naman ng mga 'yun."

Huh? Oo nga e. Napatingin ako kay 'Doc'. May itinuro ito sa kaliwa ko. Pagtingin ko doon, nakita ko si 'Aida'. Siya siguro ang nagligtas sa akin.

"Niligtas siguro ako ng guardian angel ko." Sabi ko sa lalaking iniligtas ko kanina. Ngayong nakita ko na siya sa malapitan, masasabi kong ang gwapo niya pala. May pagkasingkit ang mga mata nito, perpekto ang tangos ng ilong nito, mukha itong tsinito.

"Thank you talaga kanina. By the way, I'm Jerod and you are?" Iniabot na nito ang kamay nito habang hinihintay ang sagot ko.

"Femi." Nag-aalangan pa akong iabot yung kamay ko sa kaniya pero bigla na lang hinawakan ni 'Aida' ang kamay ko at ini-abot iyon kay Jerod.

Nagshake hands tuloy kami ni Jerod.

"Nice meeting you Femi." Magiliw nitong sabi kaya napangiti na lang ako.

Nang mga sumunod na araw ay ibang-iba sa mga nakagawian ko.

"Femi! Maglunch na tayo." Sigaw ni Jerod. Nasa may pintuan ito ng classroom namin.

Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase ko pero hindi ko iyon pinansin. Masaya akong lumabas ng classroom. Lagi na kasi kaming sabay kumain ng lunch ni Jerod. Masaya itong kasama at hindi ito natatakot sa akin kahit pa nalaman na nitong nakakakita at nakakausap ko ang mga namatay na.

"Femi."

"Hmm."

"Ang cute mo pag naka-smile ka."

Hindi ko mapigilang mapangiti na lang. Sa araw-araw na lagi kaming magkasama, pakiramdam ko nagkaroon ako ng isang kaibigan at isang taong espesyal sa puso ko. Isang taong hindi natatakot dumikit sa isang katulad ko.

"Femi, may lakad ka ba bukas?"

"Wala naman."

"Date tayo."

Nanlaki ang mata ko. "D-date?" Nauutal ko pang sabi.

"Hmm.. Ayaw mo?" Medyo lumungkot ang mukha nito.

"Gusto ko! Actually, gustong-gusto ko." Nahihiya ko pang sabi.

"Hehe. Ang cute mo talaga." He pinched my nose, "Kita tayo sa mall bukas, okay?"

WP New Stories' One-Shot Story ContestWhere stories live. Discover now