Chapter 4: Blankly

Start from the beginning
                                    

Ilang minuto na ang lumipas pero kahit isang tigil na uminom ay hindi niya ginawa. Marami ding lumalapit sa kanya pero ni isa doon ay wala siyang pinansin. Hindi ko kayang magpakita sa kanya ngayon pero kating kati na ang mga paa kong lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Is it about between me and Sammy?... Or because of Terrence? Hindi pa rin pa siya nakakamove-on sa kanila at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya? Yes it is the possible reason why. Ilang beses ko na siyang nakitang umiinom noon dahil sa pag-iwan sa kanya. Maybe she's been hurt big time. Lubos ang kanyang pagmamahal na hanggang ngayon ay di pa rin nawawala. And why do I have to think it in a couple of times? Damn!

Aalis na sana ako dahil alam ko na si Terrence ang inaasahan niya sa labas pero nakita kong tumigil na siyang uminom. Lumapit ako sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang tumayo at agad ko din namang siyang hinawakan sa baywang upang hindi siya mawalan ng balanse.

Humalakhak siya at umayos ng tayo. Hindi manlang tumingin kung sino ang nasa harapan niya. Mukhang sobrang lasing na talaga.

"Thanks," sabi niya nang nakangiti pero hindi ko malaman kung saan siya nakatingin.

Umalis din kaagad siya sa harapan ko pero hindi ko na siya nagawang sundan pa. I know Terrence will come here to care for Heather. To bring her home. What a sweet couple. Kulang na lang yung kapatawaran ni Heather at paniguradong sila na ulit. I don't want to sound like a bitter but.... Damn it!

Ilang minuto lang ang lumipas pero agad ko nang natanaw silang dalawang palabas. They don't look fighting instead they are looking each other intently base from what I see a meter away from my car.

Pumasok din naman sila agad sa kotse at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nagawa pa ulit silang sundan. Pero nang tumigil ang kotse sa tapat ng condominium ay hindi na ako nag-abalang lumabas pa para lang malaman ang kanilang gagawin. I feel like I'm a stalker that I didn't do in my entire life. Fuck!

Heather's POV

Hindi ko alam kung bakit kaya nilang umalis kung alam nilang may masasaktan. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pang umalis kung alam nilang mahirap. Siguro nga madali lang ang umalis pero mahirap ang maiwan.

Niyakap ko ang aking tuhod habang nakaupo sa aking kama. Inaalala lahat ng nangyari.

"I'm sorry, I can't lose you. It's my way to prove to you that I'm worthy of your forgiveness," aniya.

Parang dinudurog ang puso ko sa mga sinabi niya. Damn it! Maraming paraan pero bakit kailangang ganito pa? Mas lalo lang akong nasaktan.

"You want my forgiveness?" sabi ko nang nanginginig ang boses. "Then I'll give it to you. So please leave me alone," I said with finality bago tuluyan siyang talikuran.

Nagising ako nang dahil sa sikat ng araw. Kinusot ko ang mata ko at medyo mahapdi dahil sa pag-iyak ko kagabi na hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Spike parted the curtains in my room. Umirap ako nagtalukbong pa ng kumot. Inaantok pa ako dahil hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip. Wala namang pasok ngayon dahil Sabado at mang-iistorbo lang ang kapatid ko.

"Ate, if you don't want to attend in your training, better to tell it para naman di na mag-abala pang may mag hintay sa iyo sa baba."

"Shit!"

Agad akong napabangon sa napagtanto. The heck! Meron nga pala kaming training ngayon sa sayaw noong sinabi ni Clayton sa meeting kahapon.

Bumaling ako sa kapatid ko na nakapamaywang sa aking harapan. At lumipat ang mata ko sa orasan sa dingding. Huli na nang narealize ko na 7:30 na pala. 8 ang usapan na oras. The hell! Bumangon na ako at linagpasan siya para makapasok na sa banyo para sa madaliang pagligo.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now