Chapter 2:

8 4 0
                                    

Town
----
Ella

Nandito kami ni Joy sa labas ng bahay, pinilit niya ako, gusto niyang hanapin ang dugo ng  lalake,

"Are you sure?" Tanong ko, tumango ito at tuloy tuloy na pumasok sa bahay namin, kinakabahan ako para sa kanya, sobrang kinakabahan,

"Ohh!!! My lovely daughter!" Sigaw na nangagaling sa loob ng bahay namin, tumingin si Joy sa gawi ko,

"Sino yun?" Umiling ako  bilang tugon, hindi ko siya kilala, at wala naman akong ibang kapatid kaya nakakapagtaka talaga,

"Ella!" Sigaw ni Mom, gulat ang naging tugon niya sa pagdating ko, pinandilatan ko ang babaeng tinawag niya 'Daugther'

"Siya pala ang tunay mong anak?" I almost cursed when i saw how the girl smiled at me, i swear!!! I am going to kill her!!

"Yes, I am." Nakangiti ito ng nakakaloko sa akin, tumango ako.

"Is that so???" Nangigigil na tumingin ito sa akin, Fuck that woman!!!

"Pumunta ka muna sa kwarto mo, Ameza." Sabi ni Mom, nakaramdam ako ng selos, hindi kasi siya ganun sa akin eh, hindi niya ako mahal, she adopt me when i was 5 years old, so it means hindi niya talaga ako anak, sampid lang ako sa pamilya niya. Utusan lang ang tingin niya sa akin.

"Pumapayag na ako, hahanapin ko ang lalakeng yun."

******
Nadating namin ang  Xenia ng matiwasay, sa pagkakaalam kasi ni Mom dto daw mahahanap ang lalake, naghanap kami kanina ni Joy ng apartment, sanharap ng apartment, may isang gate, malaki siya, hindi mo nga makikita ang bahay sa loob,

"Ano ang lugar na yan?" Tanong ni Joy sa may ari ng apartment.

" Bayan yan." Bayan? Akala ko kasi mansion eh. Pumasok kami ni Joy sa apartment namin, palagi siyang nakatitig sa sa gate, para siyang baliw na gusto makapasok sa lugar na yan,

"Gusto ko tuloy pumasok diyan." Isang araw, naglalaba ako ng damit namin, Yan agad ang bungad niya.

"Nagtataka ako kung ano yan eh, parang ang ganda kasi." Sabi nito ulit, napailing na lamang ako, para bang matatawa.

"Delikado diyan, ano ka ba!" Tumawa ito.

"Baka nandyan yung lalake, kung puntahan kaya natin." Umiling lamang ako, ang sabi ni mom sa Xenia matatagpuan ang Lalake.

"Sa Xenia siya nakatira, hindi diyan." She sigh, tumawa na lamang ako, nababaliw na yata kami.

Nung mag gabi, malakas ang ulan ang bumuhos, nakakapagtaka dahil naglabasan ang mga tao, sumisigaw ng hindi ko alam ang ginamit na lenggwahe, Naalimpungatan kami ni joy kaya lumabas kami ng bahay para tignan kung ano ang problema ng taong bayan.

"Napakaweird ng tao dito, ibang iba sa Manila." Tugon ni Joy, ang mga tao sa Xenia ay hindi alam kung ano ang cellphone, wala silang alam tungkol sa technologies, parang Ilaw lang ang technology dito, ang nakakapagtaka wala silang plangka.

"May problema po ba tayo!??" Sigaw ni Joy, lumingon ang mga tao sa amin.

"Papasukin namin ang bloody town, Ineng, sasama ba kayo?"Tinignan kung mabuti ang gate sa harapan, Bloody town? Yan ba ang tinutukoy na bayan?

"Sige po!!" Kinaladkad ako ni Joy,

"Huwag!! Sa Xenia lang dapat tayo!" Inirapan ako ni Joy at muling kinaladkad, gusto ko siyang sigawan pero hindi ko kaya.

*****

Tanaw namin ang malaking mansion sa gitna ng kabundukan ng Bloody town, magandang bahay, Napakaganda, ngunit marami kang makikitang patay na hayop, iba naman tao.

"Bakit maraming namamatay dito?" Tanong ko.

"Walang makain." Tugon ni Jewel, nakilala namin siya kanina nung papasok kami sa gate, unang tingin mo palang, nakakatakot na,Tinignan kung muli ang mansion  sa gitna ng kabundukan, nakakatakot ito, Parang hunted house kung titigan mo.

"Eh, bat pa kayo nagpunta dito?" Tanong ko, tinignan niya ako ng nakakaloko.

"Pupuntahan namin yang mansion na yan." Tinuro niya ang gawi ng mansion.

Nakaramdam ako ng takot, ayaw kong sumama sa kanila, bahala na, magpapaiwan ako sa Xenia. Tumalikod ako, balak kung umuwi ulit sa apartment ngunit nahila ako ni Joy.

"Saan ka pupunta?" Pinandilatan ko ito ng mata at sinubukang hilain papunta sa gawi ko.

"Umuwi na tayo!!! Delikado!!" Sumunod ito sa akin na parang tuta.

****

Hawak hawak ko ang aking dibdib ng mapadpad kami sa liblib na lugar, sa signage na nasa labas ang napuntahan namin ngayon ay 'Sherimita' walang katao tao dito kaya nakakapagtaka,

"Saan na tayo?? Gutom na gutom na ako." Sabi ni Joy, putalang putla na ito,

"Anong ginagawa niyo dito?" Isang lalaking matipuno ang bumungad sa amin.

"Hulihin niyo sila!" Sigaw nito at naglabasan ang mga kawal galing sa kanyang likod, pinusasan kami ng mga kawal at dinala sa isang madilim na silid. Mga sigaw ang naririnig ko galing sa labas, umiiyak si Joy ng tahimik.

"Sino ba sila?" Tanong nito sa akin.

"Mga hukbo sila galing ng Sherimita," Tiyak mamatay kami dito, ng walang natitirang kahit ano. Ang hukbo ng Sherimita ay pumapatay ng mga tao, at tiyak papatayin niya kami.

Dangerous BloodWhere stories live. Discover now