*end of flashback*
Pagkatingin ko lahat sila tulog at si Belle nakhiga sa shoulder ko at si Jeremy sa kabilang shoulder ko! Aba Matinde! Ako di parin ako makatulog dahil nga sa text ni Belle kanina? Tinototohanan niya na ba talaga 'to? Kase ako gusto ko ng totohanin eh
*BEEP!!!!* *BEEP!!!!!!!*
Biglang nag-message tone yung phone ko! Halos lahat sila nagising at sabay sabay
"JAMES!!!" Ang pinaka malakas talaga si Jeremy! Siya pa talaga ang pinaka nag-reklamo ah! Siya na nga lang tong nakikihiga sa shoulder ko eh!
"Sorry!" sabi ko sabay peace sign! Si Belle naman naalis din yung antok at ang unang nasabe ay
"Guys! Gutom na ako!" ang cute niya hahaha! Lahat naman sila nag-agree na mag-drive thru na lang kesa mag-stop over, tutal wala naman na-c-cr.
Biglang tiningnan ko yung text
From: Unknown
Ingat ka sa Baguio! Alam mo namang mahal na mahal pa rin kita!
Di ko na lang pinansin, dahil kilalang-kilala ko yun eh! So pinansin ko na lang yung mga gutom kong kasama.. After 15 minutes ay may nakita kaming gas station at nag drive thru na lang sa Burger King!
Halos yung kinain namin ay parang kasama na yung Breakfast and Lunch sa sobrang dami. Parang papattayin na kami bukas, at binubusog na lang kami ngayon! Pagkatapos kumain ay nakatulog na naman sila, pero ako gising na gising... Pero di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako
AFTER 2 Hours
*flash* *flash* *flash*
Binuksan ko yung mata ko dahan dahan at nakita ko halos lahat ng camera at cell phone ay nasa muka ko na. Ano naman pinipicturan nila? Yung pagtulog ko? Tumawa silang lahat nung nakita na nagising na ako.
"Ano ba pinipicturan niyo?" tanong ko sa kanila
"Ito oh!| sabi ni Mina at inabot sa akin yung phone niya.
Nakita ko yung picture na nakasandal yung ulo sa akin ni Belle at nakapatanong yung ulo ko sa ulo niya. Ano naman? Diba yan naman talaga ang ginagawa ng mag boyfriend and girlfriend
"Eh ano naman? Normal lang naman yan diba?" defensive na sagot ko sakanila. Dapat wag ka magpahalata JAMES!!
"Tingnan mo kasi yung nasa likod niyo!!" sabi ni Jeremy at sabay turo dun sa may screen
Tiningnan ko ng mabuti at nakita ko si Sabrina na nakapatong yung ulo niya sa inuupuan namin at tumutulo yung laway/ Nang tiningnan ko hanggan ngayon ay tulog pa rin. Ginising ko at pinakita ko sakanya yung picture.
"Ang sama sama niyo talaga! Hello! Sino ba kase ang hindi makakatulog, ang aga kaya nating nagising duh!" maarteng sagot niya
BINABASA MO ANG
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 9: On The Way to Baguio! And Meeting HIM
Magsimula sa umpisa
