Chapter 9: On The Way to Baguio! And Meeting HIM

Start from the beginning
                                        

*flashback* 

Noong Elementary kami, hindi pa ako yung masyadong pa-siga. Hindi ako yung tipo na gusto palagi may pumupuri sa akin. Kaya ako simple lang ang goal ko sa paaralan, ang maging top 1 at matalo si Belle. 

May isang tropa ng mga sikat noon, sila yung mga mayayabang na mayayaman na puro lalaki, ang tawag sa grupo nila noon ay "The Trouble Makers!" ang grupo nila ay binubuo nina:

Jared Francisco- Leader

Karl Magno- Assistant Leader

Brian Turla- Ang chick boy

Sila ang big 3 sa grupo nila. (Oo Elementary pa lang kami chickboy na yan si Brian, ang di niya lang matanggap, ba't di siya magustuhan ni Belle! Hahaha) 

One day naglalakad na ako paakyat na ako sa building namin, para pumunta ng classroom, dahil tapos na ang recess.

"Ano! Penge kaming pera! Di pa kame nag-re-recess oh! Di ka ba naawa sa amin! " boses ni Jared yun ah! So tiningnan ko muna sila, siguro di nila ako napansin sa may hagdanan na nakatingin

"Sabrina! Ano! Kala ko ba Rich Kid ka!? Nasan na!? Jansport mo nga lang peke na! Yung iba mo pa kayang gamit" asar naman ni Karl. Nakaupo na lang si Sabrina sa lapag at kinukutya nung dalawa. Si Brian naman, wala lang nakatayo at nakatingin.

"Hoy! Tigilan niyo nga siya!" nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumigaw. Dahil naapi na yung babae eh!

"Sino naman 'to?" tanong ni Jared

"Di na mahalaga yun! Basta tigilan niyo na siya! Allowance ko na lang kunin niyo!" 

"Aba- Aba nagpapaka-superman 'tong si..." sabi ni Karl sabay tingin sa I.D ko " si James Nathan Angeles" 

"Baket ba!? Porket mayaman kayo at matalino kailanagan niyo na ganyanin siya? Ito na oh!" sabay bigay ko sakanila nung wallet ko! Umalis na naman sila pero si Brian may binulong sa akin.."Ngayon palalagpasin namin 'to pero once na nangelam ka na naman! Humanda ka!" sabi niya ng kalmado lang

"Miss oh!" sabi ko habang inaabot ko yung kamay ko sakanya para matulungan siyang makatayo. Bigla niya naman akong niyakap at sinabi

"Salamat! James! You're my Knight and Shining armor"

After ng incident na yun. Di niya na ako tinigilan. Palagi niya akong sinusundan at kinakausap, kahit ayoko naman siyang kasama or kausap. Dati wala yun sa Top 10 ng batch namin, dahil daw ako ang inspiration niya, pinilit niya daw makapasok, para sa akin.

Aftrer din ng incident na yun, di ako tinigilan ng 'The Trouble Makers' palagi nila akong inaasar na "Nerd" dahil daw masyado daw akong abala sa pag-aaral ko. Pero sila cool pero nakakapsok parin sa Top 10. Sa huli ay  naging magka-kaibigan din kami

(Alamin na lang sa mga susunod na chapters, kung paano kami naging magkakaibigan)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now