Sumakay na ako ng kotse at naka-alis ako ng bahay ng mga 5:25 na at nakarating ako sa bahay nila ng mga 5:45! Diba dakilang late! Kasalanan ko ba na gulong gulo ang puso't isipan ko. Joke lang! Nang nilabas na yung maleta ko ay lahat sila ay nakatingin lang sa akin. Siguro ang gwapo kase ng porma ko! Hahaha!
"Dumating na ang baby ko!" biglang takbo ni Belle ng nakita ako. Ako naman ay gulat na gulat dahil bigla bang yumakap sa akin...so niyakap ko rin.
"Baket ba late ka? Ha!" biglang tanong ni jeremy sa akin at kasbay si Mina..
"Mina!! Happy Birthday!! Whooh! Tanda mo na!" umalis ako sa pagkayap ni Belle at niyakap ko naman si Mina, friendly hug! Yung mukha ni Jeremy, mukhang nagseselos! Niyakap ko lang masyado 'tong ano eh!
"Thank you!" sabe niya sa akin nang nakangiti
Sumigaw ulit si Mina sa mga batchmates namin na andun! Kaya pala kaylangan niya akong yakapin, dahil andun yung iba pa naming kaibigan. Andun actually ang buong top 10.
Top 1: Belle Villanueva
Top 2: Ako
Top 3: Katarina Cruz- Not Here
Top 4: Jared Francisco
Top 5: Denise Abundo
Top 6: Karl Magno
Top 7: Patricia Santos
Top 8: Yung Birthday Girl!
Top 9: Wala si Brian Turla? Siya po yung patay na patay kay Belle! Simula Elem. Gustong gusto niya na po si Belle. Ngayong nalaman ata, di na sumipot sa birthday
Top 10: Sabrina Legazpi. Yan naman po ang patay na patay sa kagwapuhan ko. Andito siya ngayon. Gera to pag nagtapat sila ni Belle!
(A/N: Ngayon lang po sila nabanggit, dahil sa mga susunod na chapters ang kanilang mga side stories kasama na sina Belle and James)
"Ngayon! Lahat na pumasok sa Van!" sigaw ni Mina. Biglla namang dumating si Brian. Na-late daw siya ng gising. Tuwang-tuwan naman ng nakita si Belle, pero hinila ko siya sa tabi ko at binati na lang si Mina.
Yung mga gamit namin ay nakahiwalay sa isang kotse. So ang mga backpack, snacks and drinks lang ang dala namin sa Van
So ang seating arrangement namin sa Van ay
Driver Mina
Belle James Jeremy
Sabrina Jared Denise
Patricia Bryan Karl
Nasa likod pa talaga namin si Sabrina ah! Magseselos 'yan pustahan. As usual ang unang ginawa ay nag-selfie, may dala pang monopod si Mina ah! Handa ang birthday girl! Yun for the next 30 minutes puro kwentuhan. Ang pinagkukwentuhan yung tungkol sa amin ni Belle. Hindi nga alam ni Belle yung tungkol sa tweet kaya sinabi ko part lang yun nag plano.
Si Sabrina naman, parang di makapaniwala! Hahaha! Yung muka niya iritang-irita, dahil nga naka-akbay ako kay Belle at nakasandal yung ulo niya sa shoulder ko. Ganito kase storya niya kung baket niya ako nagustuhan at kung baket niya akong tinatawag na Knight and Shining armor niya daw.
YOU ARE READING
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 9: On The Way to Baguio! And Meeting HIM
Start from the beginning
