(Can we meet? I have something to tell you.)
"Of course. Where?"
(Park. Ill wait for you.)
"Okay. Im on my way. Take care. I love you love."
*call ended*
What the fuck! Di man lang siya nag-iloveyoutoo. Weird.
Any way im so excited to see him again since 2 week siyang out of the country kase daw may family bonding sila. Sobrang namiss ko yong lalaking yon dahil hindi man lang nagparamdam mula nung umalis sila and ngayon nga tumawag may sasabihin na mukhang importante. Oh my god! Don't tell me magpropropose sya? Haha.
Dahil sa naisip ko nagmadali akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang park kung san lagi kaming nagdedate. Im so excited to see him again. Pero may gagawin muna ako bago ko siya yakapin.
After 10 mins nakadating din ako sa park and madali ko din naman siyang nahanap dahil isa lang naman ang pinupuntahang spot namin dito sa park ang play ground. Nakaupo sya sa swing and tulala.
Napatingin siya saken at nagwave. Lumapit naman ako agad sakanya.
Pagkalapit ko isang malakas na palo sa balikat ang bungad ko sakanya.
"Ang sakit nun ah. Para saan naman yon?" Sabi niya habang hinahaplos ang balikat na pinalo ko.
"Para yan sa two week na di mo pagpaparamdam. Alam mo bang namiss kita." sabay yakap ko sakanya. Pero wala man lang akong naramdamang kamay na yumakap din sakin. weird.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya at humarap sakanya.
"Sorry." Sabi niya sabay tingin sa baba.
"Okay lang alam ko naman babawi ka saken." confident kong sabi. Yeah ganto siya pag may kasalanan saken bumabawi agad ako naman si tanga laging pinagbibigyan.
"Ahm... Sorry Alex... Its not about sa di ko pagpaparamdam sayo ng two weeks." medyo nauutal niyang sabi.
"Oh para saan yong sorry? Eh wala ka namang ibang kasalanan saken kung di yon lang." medyo nalilito na talaga ako ah.
"Its about... Ahm... Alex... I just want to... ahm... break up with... you." Utal-utal niyang sabi habang nakatingin sa baba.
"Haha funny mo. yan ba yong way mo para bumawe? Magjoke? Pwede kumain nalang tayo then pagkatapos okay na tayo." hinawakan ko siya sa braso para hilahin pero tinanggal niya yong pagkakahawak ko.
"Im not joking Alex. Im dead serious here. Im breaking up with you." nawala yong ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit? Anong reason mo?" Sinubukang kong manatiling kalmado para makapag-usap kami ng maayos.
"I don't love you anymore." may biglang pumatak na luha sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan. Letse!
"Seriously? Pano nangyare yon eh okay pa naman tayo bago ka umalis. Ano yon two week lang nawala na yong pagmamahal mo saken?" Pinilit kong magsalita nang maayos kahit na gusto ko nang umiyak sa harap niya.
"I just realize na mahal ko pa pala yong ex ko, si Erika. Sorry kung di ko nasabi sayong magkasama yong family namin last week. Then don ko nalaman na siya pa rin pala." di ko na napigilang umiyak sobrang sakit marinig na iba yong mahal niya.
"Tangina! Si Erika? Yong nanloko sayo? Siya pa rin? Pau ano ba!? halos three years na kayong break, siya parin? Eh ako? Yong totoo, minahal mo ba talaga ako? Paulo two years. Two fucking years! Ano yon laro sayo? Yong totoo rebound lang ba ako?" umiyak na talaga ako ng sobra sa harap niya. tangina ganto kasakit pala ang break up. Since siya ang first boyfriend ko, di ko pa naeexperience yong gantong break up.
