Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose

Start from the beginning
                                    

"At siyanga pala," sabi ni Andy sa kanilang tatlo. "Kailangan natin ng bagong sasakyan." Ayon sa P.I., dahil nakita na ng mga Satanista ang Hi-ace ni Hannah at kanyang pick-up truck, ay kailangan nila ng bagong sasakyan na hindi identified ng mga Satanista. Sinuggest ni Father Markus na hiramin nila ang Revo ni Bishop Israel.

Tamang-tama rin pagka't kailangan rin nilang maka-usap ang obispo.

***

Nang buksan ni Arturo ang pintuan ay nagulat siya na makitang maraming bisita ang obispo. Pinapasok niya sila at inabutan nila si Bishop Israel na nasa backyard garden at nagdidilig ng mga bulaklak, isang kamay sa saklay, isa sa watering can.

"Ah, you're here," sabi ng obispo, at ibinaba ang watering can para harapin sila. Naka-robe lang siya at hindi gaanong nakapaghanda pagka't biglaan ang meeting na ito.

Ipinakilala nila sa bishop sina Dean, Pam at si Andy na medyo na-intimidate sa tangkad, postura, at pagiging obvious na may lahi.

"I'm...I'm Andy Madrid, private investigator," pakilala ng P.I. "How are you? How long have you been in the Philippines?"

"Matagal na. Almost 40 years na ako dito sa Pilipinas," sagot ni Bishop Israel.

"Walastik! Marunong ka palang mag-Tagalog!" gulat na sabi ni Andy. Natawa ang iba.

"Ang gaganda naman ng mums n'yo, bishop," tingin ni Pam sa mga halamang Chrysantemums.

"You like flowers?" tanong ng obispo.

"Marami lang pong nagbibigay sa akin 'pag birthday ko at Valentines," ngiti ni Pam.

Bago pa sila ma-off topic, ay sinabi ni Jules ang sadya nila, ang plano nilang infiltration, at ang pangangailangan nila ng magagamit na sasakyan. Niyaya sila ng bishop sa garahe kung saan naroroon ang kulay puti niyang Revo. Pero may agam-agam sila nang makita iyon.

"Well? What's the problem? Bagong change oil 'yan," sabi ng bishop.

"Hindi 'yun," sabi ni Andy, at tinuro ang mga windshield ng sasakyan pagka't tadtad ito ng mga stickers tulad ng Keep Calm and Trust God, Honk if you Love Jesus, at Jesus is My Co-driver. May sticker din na outline ng isda na may Jesus sa gitna, at masayang tinuro iyon ni Dean.

"Hey, may sticker din akong ganito sa drum kit ko!" hayag ni Dean.

"The Jesus Fish, Christ as Fisherman," pagmamalaki ng obispo sa sticker niya. "Ang origin niya ay galing sa Greek Ichthys. In Roman times, gamit ito ng mga Christians to mark their meeting places and to know friend from foe."

"'Yun lang, bishop, malalaman agad ng mga Satanista kung sino kami," tukoy ni Jules.

Nanghihinayang man ay pinayagan ng bishop na alisin nila ang mga stickers. Naubos ang maghapon nila sa pagaalis ng mga ito, in between hinatiran sila ng meryenda ni Arturo ng homemade sandwiches at lemonade. Habang nag-break sila ay kinausap naman nina Father Markus, Jules at Hannah si Bishop Israel para hingan ng advice ukol sa problema nila sa exorcism.

Nakaupo sila sa library at ikinuwento ng JHS ang naganap na exorcism.

"That literally renders the rosary useless," muni ng obispo. "So, how do you think Satan does it? How could he appear and disappear at will?"

"Wala kaming idea," sabi ni Father Markus.

"Is it possible na Miguel is suffering from Multiple Personality Disorder?" tanong ng bishop.

"MPD?" sabi ni Jules. "Split personality."

"Yes," sabi ng Kastiloy na bishop. "If you remember the case of Anneliese Michel?"

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now