Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose

Start from the beginning
                                    

Maya-maya'y bumalik si Hannah at kasama na niya si Pam na kanyang flatmate, waitress, part-time model at promo girl.

"Hi, Jules!" matamis na bati ni Pam.

"H...hello, Pam," naiilang na balik ni Jules.

Sexy na naman ang suot ng waitress, tight jeans at sando kung kaya't lumuluwa na naman ang kanyang boobs. Pumayag si Pam na mag-pose as groupie ng Satan's Shadow. Nakilala na siya ni Father Markus at first time naman na makikilala ni Dean.

"Dean, si Pam, Pam si Dean," pakilala ni Jules sa dalawa.

May namuo agad na attraction sa pagitan ng dalawa. May nag-spark.

"Ikaw pala si Dean," sabi ni Pam habang nagkamay sila. "Nakuwento ka na sa akin ni Hannah."

"Ha? Really?" may interes na react ni Dean.

Sa tabi, nagbusy-busy-han si Hannah sa kanyang cellphone na kunwari'y hindi niya narinig.

"Unfortunately, out si Dean," pahayag ni Father Markus. "Kailangan nating maghanap ng iba..."

"Ah..eh..." biglang singit ni Dean. "Go...go ako...sa ngalan ng Christianity!"

"O, go pala eh!" tingin agad ni Hannah.

Napailing na lang si Jules, at habang naupo sila'y inexplain kina Dean at Pam ang kanilang gagawin. Magpo-pose nga silang groupies ng Satan's Shadow at a-attend ng concert nila. Ito'y para makakuha ng mga impormasyon dahil malaki ang kutob nila na ang pagsali ni Miguel sa grupong iyon ang nagbigay daan para saniban siya ni Satanas at doon maari silang makahanap ng kasagutan. Habang nagpapaliwanag si Jules ay panay naman sulyap nina Dean at Pam sa isa't-isa. Nagpapalitan ng mga ngiti habang kumakain ng Jollibee.

"Kung against kay Satan, all in ako," matapang na sabi ni Dean. "As Christians, its is my duty to battle the forces of evil in the holy name of Jesus Christ, our Lord."

Muntik nang maibuga ni Pam ang iniinom niyang juice. Gayunpaman ay nahuli na siya ng charisma ng poging drummer, at nagpalitan muli sila ng matatamis na mga sulyap.

"Don't worry," sabi ni Jules. "May bayad kayo, courtesy of JHS."

"Nice," ngiti ni Dean at lumabas muli ang dimples na nagpakilig kay Pam.

Nagulat sila nang biglang may malakas na katok sa pinto ng apartment. Napatili si Pam na magugulatin pala. "Ayan na si Satan kumatok na!" aniya.

Binuksan ni Father Markus ang pintuan at nagulat nang makitang naroon sa labas si Andy.

"Mr. Madrid!" gulat na tingin ng pari.

"Gandang umaga, Padre," bati ng private investigator. "Naistorbo ko ba kayo?"

Hindi pa siya inaanyayahang pumasok ay nakahakbang na paloob si Andy.

"Anong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Hannah. "At pano n'yo kami nahanap?"

"Sila ba?" turo ni Andy kina Dean at Pam, na kapuwa nagtataka kung sino ang may edarang lalaki na naka-leather jacket. Ipinakilala sa kanila si Andy bilang isang private investigator. Naupo ang P.I. nang makita ang Jollibee breakfast at walang atubiling kumain ng longganiza meal na para talaga kay Pam.

"Kung 'di n'yo naitatanong, noong pulis ako eh naging undercover din ako, nag-pose akong drug dealer sa mga entrapment," pagmamalaki ni Andy habang sumubo ng pagkain.

"Talaga, sir?" aliw na tingin ni Dean, elibs lang.

Nagkatinginan sina Father Markus, Jules, at Hannah. Hindi pa rin sila natutuwa sa biglaang pagdating ni Andy bagama't aminado naman silang may kakayahan ito.

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now