Chapter 2

210 8 3
                                    

Alas siyete na ng gabi. Pumila ako pasado alas-sais pero heto, nandito padin ako sa terminal. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasinggerang babae.

Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang ang layo nito dito sa kinatatayuan ko. Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi.

Sa wakas! nakasakay na din ako sa jeep, prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero, at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasinggerang babae kanina kaya umisod ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sabi ko sa katabi ko.

Halos sakupin na kasi nito ang upuan. Napaka walanghiyang babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Napuno na ang jeep at nagsimula na itong umandar.

Sa biyahe, hindi ko mapigilang hindi tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko. Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok nya eh mukhand disente naman ang pananamit nito. Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito? San kaya ito bababa?"  tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa natutulog na babae.

Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID. School ID yon at pareho pa ata kami ng university na pinapasukan. Pasimple kong tiningnan ang ID nya at baka sakaling may address na nakasulat. Pero nabigo ako. 

Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipyestahan ng alikabok sa daan,

Dahil sa babaeng ito ang naka focus, muntik na akong lumagpas sa bababaan ko buti nalang naka-para agad ako. Isa nalang ang problema ko. Paano ako bababa kung nakaharang itong babaeng 'to?. 

NIlingon ko si Manong driver.

"Teka lang ho, lasing kasi tong katabi ko."  sabi ko sa nakatitig na driver bago bumaling sa katabi ko.

"Hoy! Miss, paraan naman, bababa na ko."  medyo malakas na sabi ko habang niyuyugyog ang kaliwang braso nito.

Buti nalang nagising ito sa ginawa ko. Inayos niya muna ang buhok niya bago lumingon sakin. 

Doon ko na naaninag ang mukha nito. 

Halos malaglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso turn-off agad, kase kababaeng tao, naglalasing ng ganon,

"Nasaan na ba ako?"  tanong ng babae.

"Nasa bayan na tayo Miss kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako."

Imbes na paraanin ako, nauna itong bumaba sa akin. Agad naman na sumunod ako dahil nga kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati na ang driver. 

Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.

Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pagewang-gewang na. Nauna itong maglakad, sumunod ako. 

Ayaw kong magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsensya ko pa. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang university na pinapasukan, baka mabalitaan ko nalang na may isang babae na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa daan. 

Napapailing nalang ako habang iniisip 'yon, ang OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad at nilingon ko ito. 

"Bakit kaya naglasing 'to." tanong ko sa isip ko.

Nagulat ako ng bigla itong lumingon sakin. Nataranta ako kaya binilisan ko na ang paglalakad.

"Hoy!"

"Hoy sabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala na pala ako mula sa likuran. Napalingon ako. Juice colored! sinusundan pala ako. Pinagpatuloy ko padin ang mabilis na paglalakad, hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister! sandali lang!"  sigaw nito sakin.

Medyo nainis na ako sa kakatawag nya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko 'to.

"Bakit ba?!"  sigaw ko habang lumilingon.

Nagkasalubong kami kaya na-untog tuloy sya sa dibdib ko.

Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka matumba na ito ng tuluyan.

Ilang segundo kaming ganon pero agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!

"Ikaw yung katabi ko sa jeep kanina diba?" 

"Oo ako nga, bakit?" mahinahon na sagot ko.

"Sa'yo ba 'to?"

Sabay abot nya sakin ng earphone ko.

"Sakin yan ah!" sabay hablot sa earphone.

Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Nagulat nalang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakakilos  dahil sa ginawa niya.

"Type yata ako ng babaeng 'to." nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa ito sumuka.

"Ay! Ano ba'yan! Miss! Ano ba!" galit na sabi ko.

Wala na akong pake kung babae sya basta ang alam ko kailangan kong ilayo sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa dami ng inilabas nitong suka, umabot pa hanggang sa pantalon ko. 

"Fuuuuu! Badtrip!"

Inis na hinubad ko ang T-shirt ko. Mabuti na lang dala ko ang P.E shirt ko at sinuot ko agad iyon.

"Sorry."  malumanay na sabi ng babae.

Mapapatawad ko na sana siya kung hindi ko lang nakitang ngumiti. Sapakin ko kaya to.

Habang busy ako sa pagpupunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak. 

A Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon